John Lloyd Cruz spotted at Art Fair Philippines 2019

by Nikko Tuazon
Feb 24, 2019
Philippine Star's Associate and Lifestyle Editor Millet Martinez-Mananquil (left) uploaded her photo with John Lloyd Cruz (middle) and former supermodel-turned-entrepreneur Tetta Agustin-Baverey (right) on Instagram last Friday, February 22. The photo was taken at Art Fair Philippines 2019 at The Link in Makati City.
PHOTO/S: @milletmartinezmananquil on Instagram

Sa unang pagkakataon ngayong taon, namataan ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang public event.

Nitong nakaraang Biyernes, February 22, dumalo si John Lloyd sa 7th edition ng Art Fair Philippines na ginanap sa The Link, Makati City.

Ang Associate Editor at Lifestyle Editor ng Philippine Star na si Millet Martinez-Mananquil ang isa sa mga nakakita kay John Lloyd sa event.

Ibinahagi nito ang kanilang litrato sa kanyang Instagram account.

Kasama rin sa litrato si Tetta Agustin-Baverey, isang sikat na modelo noong '70s hanggang '80s, at isa sa mga kauna-unahang Filipina supermodels na rumampa sa mga fashion shows ng Givenchy at Yves Saint Laurent.

Ngayon, kilala si Tetta sa local real estate at art industries.

Sa caption ng nasabing post, ibinahagi ng lifestyle editor kung paano nito napatunayan na isang tunay na art lover si John Lloyd.

Kuwento ni Millet, "Look who’s at the @artfairph ! #JohnLloydCruz who loves art.

Continue reading below ↓

"When I introduced Cannes resident #TettaAgustinBaverey to him, she asked: 'Have you ever been to the Cannes Film Festival?'

"To which JohnLloyd answered: 'No, what I’ve attended is the Venice Biennale.' See, he really is an art lover."

Huling namataan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna nitong Enero habang nagbabakasyon sa Japan, kasama ang anak nilang si Elias Modesto.

Continue reading below ↓

Pansamantalang tinalikuran nina John Lloyd at Ellen ang showbiz at pinili ang pribadong buhay noong huling bahagi ng 2017. Ito ay matapos lumabas ang balitang ipinagbubuntis ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd.

Sa huling bahagi naman ng nakaraang taon, ilang beses namataan ang dalawa sa ilang pampublikong lugar sa Cebu.

Kumalat sa social media ang mga larawan ni John Lloyd kunsaan makikita siyang bumibili ng prutas, kumakain ng balut, nakasakay sa jeepney, naghihintay na maluto ang binili niyang turon, at naggu-grocery kasama si Ellen.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine Star's Associate and Lifestyle Editor Millet Martinez-Mananquil (left) uploaded her photo with John Lloyd Cruz (middle) and former supermodel-turned-entrepreneur Tetta Agustin-Baverey (right) on Instagram last Friday, February 22. The photo was taken at Art Fair Philippines 2019 at The Link in Makati City.
PHOTO/S: @milletmartinezmananquil on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results