Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Maja Salvador-Rambo Nuñez romance in full bloom; showbiz friends cheer for them

by Bernie V. Franco
Feb 25, 2019
Businessman Rambo Nuñez posts photos of him with rumored girlfriend Maja Salvador.
PHOTO/S: Instagram (Rambo Nunez)

Hindi maitatatwang proud si Rambo Nuñez sa espesyal na namamagitan sa kanila ni Maja Salvador.

Patunay rito ang dalawang larawan nila ng Kapamilya actress na ipinost ng businessman sa Instagram.

Bago ito, sunud-sunod din ang Instagram Stories ni Rambo nitong mga nakaraang araw kasama si Maja at mga kaibigan ng aktres mula sa showbiz.

Nag-post na rin si Maja sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Rambo.

STORIES WE ARE TRACKING

Noong nakaraang linggo, magkasama sina Rambo at Maja sa launching ng isang furniture brand.

Nitong weekend, nag-post si Rambo sa Instagram ng larawan nila ni Maja mula sa nasabing event.

Simpleng caption ng negosyante: “Best part.”

Tila sinasabi ni Rambo na ang highlight ng event na iyon ay nang makasama niya si Maja.

View this post on Instagram

Best Part #kuysenseit

A post shared by Rambo Nuñez Ortega (@rambonunez) on

Unang mababasa sa post na iyon ang komento ni Maja na “kiss emoji.”

Sinagot naman ito ni Rambo ng “heart emoji."

Continue reading below ↓

Inulan din ng tukso si Rambo mula sa mga kaibigang artista, kagaya nina Heart Evangelista, Lovi Poe, at Lucy Torres.

Continue reading below ↓

Binilinan naman si Rambo ni Nenet Rustia, ang long-time manager ni Maja sa Star Magic, na ingatan ang aktres.

Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN na kinabibilangan ni Maja.

Tiniyak naman ni Rambo na iingatan niya ang aktres.

Muling nag-post si Rambo ng larawan nila ni Maja na kuha sa isang wedding na dinaluhan nila noong Sabado, February 23.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

My lovely date for Migs and Patty’s wedding #migssomepattytolove

A post shared by Rambo Nuñez Ortega (@rambonunez) on

Isang “kiss emoji” ang komento ni Maja, na ginantihan din ng “kiss emoji” ni Rambo.

Isang netizen na may account name na @mamasexy ang nagbilin din kay Rambo na ingatan si Maja.

Umoo naman ang rumored boyfriend ng aktres.

Muli ring nag-comment ang manager ni Maja na sana raw ay alam ni Rambo kung gaano kamahal ni Nenet si Maja.

Continue reading below ↓

Tiniyak naman ni Rambo na saksi siya sa sobrang pagmamahal ni Nenet sa aktres at deserve daw iyon ni Maja.

Continue reading below ↓

Nagpahayag din ng suporta ang mga artista sa relasyon nina Maja at Rambo.

Kabilang dito sina Gretchen Ho, Yam Concepcion, Arron Villaflor, Charee Pineda, at maging ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Continue reading below ↓

Unang umingay ang diumano’y “pagbabalikan” nina Maja at Ram nang mag-post si Maja ng bouquet of roses at card noong February 16.

Makahulugan ang nilalaman ng card, kung saan isinulat ng letter sender na nagpapasalamat siya kay Maja na pumayag maging kanyang Valentine muli pagkatapos ng siyam na taon.

Unang na-link sina Maja at Rambo noong 2010.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businessman Rambo Nuñez posts photos of him with rumored girlfriend Maja Salvador.
PHOTO/S: Instagram (Rambo Nunez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results