Nadine Lustre keeps living arrangement with James Reid private

by Rey Pumaloy
Feb 26, 2019
Nadine Lustre does not see herself marrying James Reid in the near future. "Hindi pa po, e. Kasi ano po, e, sobrang love po namin yung state naming dalawa na ganito lang kami, okey lang kami."
PHOTO/S: Mark Atienza

“Bakit mo ba tinatanong 'yan?”

Ito ang natatawang balik ni Nadine Lustre, 25, sa tanong kung handa na siyang sagutin kung nagli-live in na ba sila ng boyfriend na si James Reid, 25.

“My God, kayo na pong bahala diyan na sumagot,” patuloy niyang pag-iwas.

Para sa marami ay hindi na isyu ang pagli-live in, na siyang basehan ng ibang magkasintahan kung tatagal o puwedeng umabot sa kasal ang kanilang relasyon.

“Ganun po ba yun? Hindi ko po alam, e,” nangingiting iwas pa rin ni Nadine.

Nais man niyang sarilinin ang living arrangement nila ng nobyo sa kasalukuyan, diretso namang sinagot ng dalaga ang tungkol sa pagpapakasal.

Bagamat maganda ang takbo ng three-year relationship nila ni James, hindi pa raw nakikita ni Nadine ang sariling magpakasal at bumuo ng pamilya sa nalalapit na panahon.

Paliwanag niya, “Hindi pa po, e.

"Kasi ano po, e, sobrang love po namin yung state naming dalawa na ganito lang kami, okey lang kami."

Continue reading below ↓

Dugtong niya, “I think marriage po kasi is formality, I guess. Yun po.

“Siyempre, gusto ko rin meron, pero parang I think it makes the relationship formal po kasi.”

May savings na ba silang magkasama ni James?

Mabilis na tugon ni Nadine, “Wala pa po. Hindi po kasi namin pinag-uusapan ang ganyan, e.

“I mean, I have savings and meron din po siya pero, I mean, hindi naman to the point na mini-merge namin.”

NOT RUSHING

Ayon kay Nadine, hindi siya nagmamadali o nape-pressure magpakasal.

Aniya, “Uhm, I’m not rushing. But, siyempre, I would want a wedding, kasi it’s different.

"But I have friends na rin na ikinasal. Sabi po nila, iba po talaga yung pag ikinakasal ka, iba yung naka-wedding gown, ikaw yung naglalakad.

“So I would want to feel that also, but I don’t wanna rush things.”

Continue reading below ↓

Naibahagi naman ng aktres ang ilang detalyeng gusto niya sakaling ikasal na sila ni James.

Dahil mahilig sa outdoor activities sina James at Nadine, ganito rin ang gusto niyang lugar o set-up para sa kanyang wedding.

“Gusto ko po kasi either garden or beach, kasi yun po kasi mahilig kaming mag-hike parehas and mag-beach.

“Anything that's close to nature.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa mediacon ng kanyang upcoming movie na Ulan, na ginanap sa The Felicidad Mansion, Quezon City, noong Sabado, February 23.

BEACH LOVERS

Sa ngayon, bukod sa trabaho, mas nakatuon ang atensiyon nina Nadine at James sa mas maraming bakasyon sa taong ito ng 2019.

“Uhm travel, yun talaga ang gusto naming gawin, enjoy lang po,” pagbabahagi niya.

“And siguro be successful in everything.

"Now po kasi, music din po ang inaatupag niya, doon po siya nagpu-focus. So, gusto lang po masaya.”

Continue reading below ↓

Isa rin ba sa pinapangarap nilang dalawa ng kasintahan ang magkaroon ng property sa tabing-dagat?

“Why not? Sino naman po ang ayaw sa bahay sa may dagat?” nangingiting sabi ni Nadine.

Dugtong pa niya, "Actually, yung pagpunta po ng beach days ago lang, work naman po, hindi naman for personal reason. Hindi po siya vacation, trabaho po yun."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre does not see herself marrying James Reid in the near future. "Hindi pa po, e. Kasi ano po, e, sobrang love po namin yung state naming dalawa na ganito lang kami, okey lang kami."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results