PRESS STATEMENT FROM GMA-7:
"Hindi na bago para kay Norma Diwa ang mga pagsubok sa buhay niya—lalo na kapag may kinalaman sa asawa niyang si Rey. Kilala sa pambababae, pinipilit na lang ng babae pakisamahan ito—para sa kanilang mga anak.
"Kaya naman nang mahuli si Rey sa isang krimeng wala siyang kinalaman, inisip na lang ni Norma na ito na ang pagkakataong hinihintay niya para tumigil ang asawa sa pambabae. Sa isip ni Norma, paano makakapambabae si Rey kung puro lalaki ang kasama nito sa bilangguan.
"Hirap man ay masayang itataguyod ni Norma ang kaniyang pamilya, maging ang kanyang asawang nasa loob ng kulungan.
"Ngunit laking gulat na lang ni Norma ng isang araw ay may makita siyang mga dalagang may maiiksing suot na pumasok para “bumisita” sa piitan. Kakabahan si Norma, mag-iimbestiga, at malalaman na may mga prostitute na nakapapasok sa bilangguan. At isa si Rey sa gumagamit ng kanilang serbisyo.
"Sa simula ay hindi alam ni Norma ang gagawin. Pero nang malaman ng babae ang kalagayan ng kalusugan niya, magkakaroon ito ng lakas ng loob na gumawa ng aksyon—kung hindi para maisalba ang sariling relasyon sa asawa, ay para ipaglaban ang karapatan ng mga asawa.
"Saan tutungo ang laban ni Norma Diwa? At magkakaroon pa ba siyang pagkakataon na ayusin ang problema niya at ng asawang si Rey?
"Sundan ang kuwento ng pakikipaglaban ni Norma Diwa, sa natatanging pagganap ni Agot Isidro, ngayong Sabado, April 6, sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7.
“Sex For Sale: Norma Diwa versus the Bataan Sex Workers is directed by Dominic Zapata, researched and written by Vienuel Ello, and also stars Ramon Christopher, Carlene Aguilar, Bubbles Paraiso, and John Edric Ulang."
Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.