Janine Gutierrez wishes to celebrate birthday in Amanpulo

by Rommel R. Llanes
Mar 2, 2019
Janine Gutierrez has only good words for the late mom of rumored boyfriend Rayver Cruz, Beth, who passed away on February 2 to pancreatic cancer. "Sobra, sobra, mabait po talaga. 'Tsaka dun mo makikita kung bakit ganun kabait si Rayver 'tsaka sina Rodjun kasi mana-mana pala talaga sila."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kung sa huling serye ni Janine Gutierrez na Victor Magtanggol ay damsel-in-distress ang kanyang ginampanan, sa bagong pinagbibidahang serye na Dragon Lady ay kabaliktaran ang kanyang karakter.

“Yes, opo. Kaya excited ako, iba naman.

“Excited ako kasi ngayon lang ako magkakaroon ng ganito ka-strong talaga [na character]. And additional challenge nga yung bumubuga siya ng apoy.

“So iyon talaga yung kakaiba.”

Kumusta na sila ni Rayver Cruz?

“Okey naman po.”

Sa interview sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko ay sinabi ni Rayver na may “utang” siya kay Janine dahil hindi sila nakapag-date noong nakaraang Araw ng mga Puso.

Sa halip na mag-date ay isinama ni Rayver si Janine nitong Valentine’s Day sa puntod ng ina ni Rayver, si Beth Cruz, na namatay a month ago, February 2, sa sakit na pancreatic cancer.

Kapag nagkaroon na sila ng oras para sa isang belated Valentine date, saan niya gusto siyang dalhin ni Rayver?

Continue reading below ↓

“Amanpulo, char!

“Hindi, dinner lang, dinner-dinner lang.”

Nasa bucket list ni Janine na makarating sa Amanpulo, isang pribadong luxury island resort sa Palawan na dinarayo kahit ng Hollywood celebrities dahil sa kagandahan (at kamahalan) nito. Nais ni Janine na mabisita ito this year.

Nabanggit na ba niya ito kay Rayver?

“Actually sinabi ko, na parang gusto ko dun mag-birthday.”

Ano ang sinabi ni Rayver?

“Wala namang sinabi, tingnan natin,” at tumawa si Janine.

Sa October 2 ang birthday ni Janine.

“Matagal pa, puwede pang mag-ipon, puwede pang mag-ipon,” at muling tumawa ang Dragon Lady.

Aniya, “Hindi pa ako nakapunta dun, e, pero dapat matinding okasyon na yun kasi.”

Puwedeng tuhog na iyon, Valentine’s date nila ni Rayver at birthday ni Janine.

“Puwede, puwede, para sulit, ‘no?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa mediacon ng upcoming GMA fantasy series na Dragon Lady kagabi, February 28, sa Shangri-La Finest Chinese Cuisine Restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

Ipapalabas ang Dragon Lady simula sa Lunes, March 4 sa GMA Afternoon Prime kapalit ng Asawa Ko, Karibal Ko.

SUPPORTING RAYVER IN TIME OF GRIEF

Gusto raw ni Rayver na magbakasyon dahil magtatapos na ang Asawa Ko, Karibal Ko bukas, March 2. Malamang daw na mag-abroad si Rayver at gusto niyang isama si Janine.

“Aalis din po ako,” kuwento ni Janine, na pupuntang Amerika sa Mayo upang dumalo sa graduation ng isang matalik na kaibigan.

Hindi niya sasamahan si Rayver pagbabakasyon nito?

“Parang siya yata yung sasama sa akin,” sagot ni Janine sabay tawa.

“Well tingnan natin kasi hindi ko alam kung magteteleserye na ba ulit agad siya, 'ayun.

“We’ll see.”

Samantala, labis daw ang pasasalamat ni Rayver na naroroon si Janine sa tabi niya habang nakaburol at hanggang sa mailibing ang mommy ng aktor.

“Mahirap talaga, mahirap talaga yung time na yun pero solid din kasi silang magkakapatid, e. Sila Rayver, si Rodjun, yung kuya nila,” na ang tinutukoy ni Janine ay si Omar Cruz.

Continue reading below ↓

“Siyempre kami ni Dianne nandun lang kami para sa kanila.

“Pero masuwerte na rin at talagang close silang magkakapatid kaya ngayon sila din yung magkakasama, nagtutulungan, ganun.”

Si Dianne Medina ay ang fiancée ni Rodjun Cruz.

RAYVER'S MOM

Ano ang memories ni Janine sa ina ni Rayver?

“Mabait, mabait yung mommy niya talaga, sobra! Siya na yung pinakamabait na nanay ng… sobra!”

Dagdag ng aktres, “Sobra, sobra, mabait po talaga.

“'Tsaka dun mo makikita kung bakit ganun kabait si Rayver 'tsaka sina Rodjun kasi mana-mana pala talaga sila.”

Pag-alala pa ni Janine, “Kinukuwento sa akin ni Dianne na nagpapadala siya ng baby picture ni Rayver 'tsaka baby picture ko para ipa-collage.

“Sobrang cute niya!

“'Tapos binigyan pa niya ako ng mga sapatos, super-kikay din kasi yung mommy nila, e.

“'Tapos super-active dancer din, dun nila nakuha lahat yun.

Continue reading below ↓

“Mabait, sobrang bait.”

Kumusta si Rayver ngayon? Paano ito nakaka-cope up sa pagkaulila sa ina?

“I think nakatulong na sobrang busy siya.”

Isang lingggo lamang nagpahinga si Rayver pagkalibing ng ina nito at sumabak na agad sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko.

“Pero siyempre malungkot pa rin yun, malungkot pa rin yun.”

Paano niya pinapasaya ang binata?

“Ako naman nandun lang talaga ako the whole time.

“And iyon nga, iyon na yung pinakasuporta ko talaga.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez has only good words for the late mom of rumored boyfriend Rayver Cruz, Beth, who passed away on February 2 to pancreatic cancer. "Sobra, sobra, mabait po talaga. 'Tsaka dun mo makikita kung bakit ganun kabait si Rayver 'tsaka sina Rodjun kasi mana-mana pala talaga sila."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results