Hiwalay na si Maricar de Mesa sa kanyang American boyfriend, na siyang ama ng one-year-old daughter niya.
Pahayag ng 38-year-old actress, “Actually, we’re not together anymore.
“Ganun, e. Actually, it’s been a while, hindi naman ako natatanong about it.”
Pero hindi naman daw masalimuot ang hiwalayan nilang dalawa.
“Civil, co-parents, co-parenting.
“He’s doing his share, ganun, his part as a father, he’s doing it naman.”
Dalawang taon tumagal ang kanilang relasyon, ngunit hindi lang daw talaga sila ang para sa isa’t isa.
“Two years na on and off, medyo magulo din, e,” sabi pa ng Kapuso actress.
Maituturing bang live-in ang naging status nila noon?
Paliwanag ni Maricar, “I don’t know if you call it live-in, pero kasi, back and forth ako sa Amerika ng dalawang taon.
"Minsan nasa kanya ako, minsan wala ako sa kanya.
“So, somehow, oo.”
Maayos daw nilang pinag-usapan ang paghihiwalay nila ng landas para sa kanilang anak.
“Oo, naman, oo naman. Mahirap naman kasing magkagalit kami, may anak kami.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricar sa grand media conference ng bago nitong kinabibilangang teleserye sa GMA-7, ang Dragon Lady, na ginanap kagabi, February 28.
Ang Dragon Lady ay pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.
Kasama rin sa cast sina James Blanco, Diana Zubiri, Joyce Ching, at Edgar Allan Guzman.
Mapapanood na ito simula sa Lunes, March 4, pagkatapos ng Eat Bulaga!
DATING?
Maganda ang aura ni Maricar sa presscon ng Dragon Lady.
May idini-date na ba siyang muli?
Tugon nito, “Wala.”
Dagdag pa ng aktres, “Ako naman kasi ngayon, kung may makilala, okay. Kung wala, tigil muna.”
Sa trabaho raw muna magpu-focus si Maricar dahil mahirap magpalaki ng anak bilang isang single parent.
Si Maricar ay hiwalay na sa kanyang asawa, ang dating PBA player na si Don Allado, sa pamamagitan ng annulment.
Walang anak ang dalawa.
