Joyce Ching details how she was proposed to by Kevin Alimon

by Rommel R. Llanes
Mar 2, 2019
Joyce Ching and now fiancé Kevin Alimon was about to finish a game when he proposed to her.
PHOTO/S: @kevinalimon on Instagram

Ang tungkol sa engagement nila ng non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon ang naging topic namin ni Joyce Ching nang makausap namin ito kahapon, March 1.

In-announce nina Joyce at Kevin sa kani-kanilang social media accounts nung February 28, Thursday, ang kanilang engagement, pagkatapos ng presscon ng Dragon Lady kung saan gaganap si Joyce bilang si Astrud Lim-Chua.

Bakit pagkatapos at hindi during the presscon niya napagdesisyunang i-announce ang kanilang engagement?

“Para lang po hindi makagulo din,” at tumawa si Joyce.

“Para makapag-focus lang din sa launch ng Dragon Lady.”

Sigurado kasing ang tungkol sa engagement ang magiging topic sa presscon, at ayaw naman ni Joyce ang ganun.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce sa fans and bloggers’ conference ng Dragon Lady kung saan ipinalabas din ang pilot episode ng naturang GMA fantasy series na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez. Ginanap ito sa Ethan’s Café sa Scout Gandia, Quezon City.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Joyce, “Even after nung proposal, ipinaalam ko muna sa [GMA] Artist Center, sa manager ko na, ‘Ito po yung nangyari.’ Ganito-ganyan.

“Then tinanong ko din sila kung, if okey lang ba kung mag-a-announce ako or when is the best time. Sabi nga nila after na nga din ng presscon ng Dragon Lady para we can focus din sa launch.”

PROPOSING WHILE PLAYING BREAKOUT

February 25 nag-propose kay Joyce si Kevin, habang naglalaro sila sa Breakout.

Ang Breakout ay isang establishment kung saan ang mga nagpupunta rito ay sumasailalim sa isang escape room game. Para makatakas sa isang escape room, kinakailangang ma-solve ng mga maglalaro ang mysteries gamit ang iba’t ibang clues.

Hindi pa raw sila tapos mag-solve ng clues nang nag-propose si Kevin.

“Nung malapit na kaming makalabas, naglabas siya ng paper, kakuntsaba niya yung mga tagadun, inabot sa kanya , sabi niya may clue, ‘Eto yung clue!’

Continue reading below ↓

“Ganyan. So binasa niya. Sabi ko, ‘Ang tagal mong magbasa, ako na nga ang magbabasa.’ ‘Tapos pinagpatuloy niya lang, ‘tapos bigla siyang nag-Tagalog, sabi niya, ‘Dati pa kitang crush,’ yung mga ganun.

“Sabi ko, ‘Ha? May Tagalog, bakit may Tagalog?’

“’Tapos hinablot ko sa kanya yung paper, ‘tapos iyon na, dun nakasulat yung letter siya. ‘Tapos dun na siya nag-propose.”

May idea ba o clue si Joyce, bago pa maganap ito, na magpo-propose si Kevin?

“Wala akong clue na dun niya gagawin at nung mga panahon na yun mangyayari.

“Bago nga siya actually mag-propose, tinanong ko pa siya na, ‘Are you proposing?’

“Kasi parang nag-i-stutter siya ‘tapos natatawa-tawa, pero kinakabahan lang naman pala, so, ‘ayun.

“’Tapos tinuloy na niya yung spiels niya after that.”

Bakit may ideya siya na magpo-propose nga si Kevin?

Continue reading below ↓

“Kasi nung binasa niya yung clue, nung nabasa ko yung card, may letter from him.”

WHAT MADE HER SAY “YES”

Napag-uusapan naman daw nila ang tungkol sa pagpapakasal.

“Napag-uusapan naman din po namin yung future plans, ganyan, pero hindi ko lang alam at hindi ko in-expect na nung day na yun mangyayari [ang proposal].”

Nabigla raw si Joyce, at umiyak siya.

“Sobra! Yung mga photos namin yung right after nung proposal, sobrang namamaga yung ilong ko.”

Umiyak din daw si Kevin.

“Pero mas ngawa ako,” at tumawa si Joyce.

“Yes” siyempre ang isinagot ni Joyce at walang sa isip niya na mag-“No” siya.

“Wala, wala, ready to answer yes yung ganun.”

What made her say yes?

“Kasi, mahal ko siya! At bukod dun kasi parang even before ako pumasok dun sa relationship namin as boyfriend/girlfriend, minake sure ko na talaga, tinanong ko yung sarili ko, ‘If magpo-propose ba ‘to, sasagutin ko ba siya?

Continue reading below ↓

“’Ready ba ako na ikakasal ako sa kanya?’ Ganun. Parang hindi lang ako nag-yes to boyfriend/girlfriend pero inisip ko na rin yung future.

“Na if mag-i-invest ako sa relationship na ‘to, sure ba ako na haggang marriage ‘to? Hanggang marriage game pa rin ako? Sure pa rin ako?

“So yun.”

Noon pa man daw ay husband-material na ang tingin ni Joyce kay Kevin.

“Oo. Even before pa ako mag-yes to boyfriend/girlfriend, parang… iyon talaga yung main thing na tiningnan ko, if kaya ko bang mag-submit sa person na ‘to buong buhay ko.

“Kung pang-lifetime.”

NO WEDDING PLANS YET

Wala pang definite date at venue ng kanilang kasal.

“Iyon po yung pinagpaplanuhan pa at iniisip at pinagdadasal pa namin kung kailan.”

This year ba?

“Hindi ko po talaga sigurado. “

Meron din kasing long engagement na tinatawag, na after two or three years ng proposal ang kasal, meron din namang mabilis lang.

Continue reading below ↓

“Gaano po ba kabilis ang mabilis at gaano katagal ang matagal?

“Hindi pa po namin talaga napag-uusapan yung exact date, e. Pero I don’t think yung long engagement na mga three years, ganyan, I don’t think aabot kami ng three years.”

Paano kung gusto ni Kevin na this year na sila magpakasal; handa ba si Joyce?

“Ready!”

Isang malaking hakbang ang pagpapakasal.

“Opo. Well, lahat naman ng step na ginagawa namin sa relationship namin, pinagdadasal naming mabuti at mine-make sure naming na parehas kaming ready.”

Twenty four years old si Joyce at twenty six si Kevin.

Ano ang dream wedding ni Joyce?

“Ang dream wedding ko lang talaga yung very intimate, na yung mga nandun lang talaga is yung mga taong involved sa relationship namin, mga taong ka-close talaga namin.

“Iyon yung dream ko. Sobrang simple and intimate wedding.”

Continue reading below ↓

Pero mahirap isakatuparan ang intimate wedding para sa kanila dahil artista siya at marami siyang kaibigan sa showbiz.

“Iyon po yung mahihirapan kami, iyon yung challenge namin, paano namin ika-cut down, sino yung mga taong invited at hindi invited,” at tumawa si Joyce.

Isa sa mga unang nag-congratulate sa kanya ay ang Primetime Queen na si Marian Rivera na nagpadala ng heart emojis sa Instagram post ni Joyce ng engagement nila ni Kevin.

“Oo nga, grabe si Ate Yan!”

Nagkasama sila ni Marian sa Super Ma’am.

“Sa Super Ma’am sobrang… may group chat pa rin kami hangang ngayon, alive pa rin.”

Nagdi-dinner pa rin sila regularly ng cast ng naturang fantasy series ng GMA na umere noong 2017.

NO RESTRICTIONS FROM KEVIN

Handa na daw si Joyce maging misis.

“Preparing, in the process,” at tumawa si Joyce.

In one word, paano niya ide-describe ang feeling niya noong nag-propose si Kevin?

Continue reading below ↓

“Overwhelmed!”

Wala raw anumang restrictions sa kanya si Kevin bilang artista.

“Very supportive siya. Pero isa yan sa mga bagay na we had to discuss, especially kasi contravida roles nga yung gInagawa ko, parang dun ako papunta.

“So, ano lang, in-inform ko siya sa lahat ng puwedeng mangyari, yung puwedeng gawin, like sa characters ko, tulad dito sa Dragon Lady medyo mature, medyo daring, medyo sexy yung mga damit-damit ko.

“Okey naman po siya dun. Naiintindihan naman niya.”

Kissing scenes?

“Ako po yung hindi,” at tumawa si Joyce.

Hindi raw pumapayag si Joyce sa mga torrid kissing scenes.

“Hindi naman po mawawala yung mga kissing scenes pero may mga daya-daya, mga ganun.”

Hindi raw kaya ni Joyce ang grabeng kissing scenes.

“Mga smack-smack lang.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joyce Ching and now fiancé Kevin Alimon was about to finish a game when he proposed to her.
PHOTO/S: @kevinalimon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results