JC de Vera comments on Angel Locsin's walkout from The General's Daughter set

by Rose Garcia
Mar 2, 2019
"Hindi ko talaga kaya, kasi naniniwala naman ako na kung anong estado si Angel e malayung-malayo ako. Hindi ko puwedeng i-risk. Siguro, iba-iba lang kami. Kung ako ang tatanungin, hindi ko lang siguro kayang gawin," said JC de Vera (left) when asked if he could also do what Angel Locsin (right) did.
PHOTO/S: @akosijcdeberat (left), @therealangellocsin (right) on Instagram

Ang pagwo-walkout ni Angel Locsin sa set ng The General’s Daughter ang tinanong agad kay JC de Vera nang makausap nito ang entertainment press na dumalo sa pocket interview niya sa Rocket Cafe + Kitchen sa Scout Reyes, Quezon City, noong February 27.

“Para lang maging clear for every one, I was asleep that time and para rin sa mga nagtatanong kung may kinalaman ang director namin, wala. As in, 100%, wala...

“Kasi, kahit siya, nagulat din siya kung ano ang nangyari,” saad ng Kapamilya actor.

Ang director nila sa serye ay si Manny Palo.

Ayon pa kay JC, “Pumasok din siya sa room namin, he was smiling not knowing what happened. Hindi rin niya alam. No one really knew what happened that day.

“Wala talagang nakaalam kung ano talaga ang exact thing na nangyari that time.”

Lahad pa ni JC, “Halos all-star cast kami that day. Everyone was just asleep. Nangyari ‘to mga after lunch. Kasi, nagising ako that time, mga four.”

Continue reading below ↓

Nakatanggap naman daw sila ng text message mula kay Angel at humihingi nga raw ng paumanhin sa nangyari.

WAS IT THE DIRECTOR'S FAULT?

Ang director nila ang unang nadiin sa isyu ng walk-out. Lumabas ang mga balitang naninigaw raw kasi ito sa set at palamura.

Pinasinungalingan naman ito ni JC, “No, ano siya, we all understand na nagtatrabaho kami na under pressure talaga. Yung plot namin, yung military plot, mahirap talagang i-mount. At bawat scenes na sinu-shoot namin, malaking eksena talaga, maraming talents palagi.

“’Tapos, yung mga lines namin, dapat very strict kami. Kasi nga, yung military, magagalit sila siyempre kung may mali kaming nagawa. Sila rin ang nag-i-screen.”

Kilala naman daw ni JC si Angel mula pa noong magkasama sila sa youth-oriented show na Click ng GMA-7. Malaki raw ang respeto niya sa aktres para tanungin pa ito kung ano talaga ang nangyari.

“Malaki ang respeto ko kay Angel kaya hindi ako nagtanong sa kanya. Susuportahan ko pa siya kasi, whatever she felt that day, kailangan hindi niya yun maramdaman the following day.

Continue reading below ↓

“Nung following taping naman, nagkita na rin kami agad and it’s a brand new day, parang walang nangyari.”

Dugtong pa niya, “And for us, hindi siya dapat pagtsismisan kasi nga hindi dapat pinapalaki yung ganung bagay.”

Mula noong una silang nagkasama hanggang ngayon, humble pa rin daw si Angel, ayon kay JC.

“Very humble pa rin siya until now and bilang katrabaho, very focused pa rin siya sa craft niya. Lalo na ngayon sa The General’s Daughter, comeback niya and iba yung pressure and plot ng ginagawa namin, something different talaga.

“Even kami, hirap kami, so what more siya? Perfectionist siya, gusto niyang maging maayos lahat and pressured siya na may mali.”

CANNOT DO WHAT ANGEL DID

Bilang isang artista, hindi pa naman daw niya nararanasan na mag-walkout sa kahit anong programa na ginawa niya.

“Hindi ko talaga kaya, kasi naniniwala naman ako na kung anong estado si Angel e malayung-malayo ako. Hindi ko puwedeng i-risk. Siguro, iba-iba lang kami. Kung ako ang tatanungin, hindi ko lang siguro kayang gawin.

Continue reading below ↓

“Kilala n’yo naman ako, work lang ako nang work kung kaya.”

Inamin naman ni JC na nagulat din daw siya nang mabalitaan nga niya na may ganung pangyayari.

“Hindi naman kasi siya yung usual na nangyayari sa work, so it’s something different. Siyempre ako, hindi naman ako puwedeng maglabas ng mga speculations, di ba?

“So, I kept silent lang.

“Hindi ako nagtanong, hindi ako nagsalita.

“I’m sure, ginawan niya yun ng paraan. Gumawa naman siya ng paraan right after and I’m sure, gumawa rin siya ng paraan the following day. No one really knows kung ano talaga yun and pagbalik naman niya ng work, she’s really okay.”

THE KIND OF PRESSURE THEY FEEL

Isa sa leading men ni Angel si JC sa The General’s Daughter. at kahit daw siya ay nakararamdam ng pressure.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktor, “Oo naman, oo naman... hindi ko naman first sa Dreamscape, second ko na ‘to. First yung Since I Found You, pero yun, relax lang yun. Ito kasi, matinding research ang kailangan naming gawin.

“Hindi ka basta-basta puwedeng mag-portray ng sundalo. Maraming responsibility yun for us.”

Unang beses pa lang daw niya na gumanap sa isang papel na sundalo.

“First time at nag-training lang din kami,” saad niya.

“Yung scope ng pagiging sundalo namin, ang laki. Kumbaga, isa kami sa matataas na sundalo. Highly trained kami na mga soldiers. So, hindi naman kami dumaan sa mga pinagdaanan ng sundalo noon.”

Tatlo raw silang magkakaroon ng love interest kay Angel sa serye. Kabilang sina Arjo Atayde at Paulo Avelino. Pero para kay JC, malaking bagay na raw na matabi ang pangalan niya sa aktres.

“Matabi sa pangalan ni Angel, siyempre, big achievement na for me. Katulad nung sa Legal Wife, siyempre bago pa lang ako sa ABS noon... siyempre, hindi pa naman ako nakakakuha ng bigger roles like this one, ngayon, isa ‘to sa mga achievements din for me, lalo na sa career.”

Continue reading below ↓

JUST KEEPS ON WORKING

Limang taon na ring Kapamilya si JC . Mula pagiging Kapuso ay naging Kapatid at ngayo’y Kapamilya nga.

Isa siya sa masasabing nangibang bakod na pinalad at hindi halos nababakante ng mga proyekto sa ABS-CBN.

“Kayod lang nang kayod,” nakangiting sabi niya.

Ano nga ba ang meron siya’t hindi siya nababakante?

“Siguro pakabait lang,” natawa lang na sagot niya.

“Kasi, kapag binigyan ka ng work, kailangang ipakita mo lang talaga ang best mo.”

Hindi siya yung maingay na artista, parang steady lang siya.

“I think, isa yun sa mga plano ko na maging humble lang, down-to-earth. Kasi nga, dito sa industriyang ito, maraming magagaling. Maraming nabibigyan ng opportunity.

“Ako, I patiently wait.

“Kapag binigyan ako ng project, walang reklamo. Never akong nag-complain about anything. Palaging may scare of losing work.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko talaga kaya, kasi naniniwala naman ako na kung anong estado si Angel e malayung-malayo ako. Hindi ko puwedeng i-risk. Siguro, iba-iba lang kami. Kung ako ang tatanungin, hindi ko lang siguro kayang gawin," said JC de Vera (left) when asked if he could also do what Angel Locsin (right) did.
PHOTO/S: @akosijcdeberat (left), @therealangellocsin (right) on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results