PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor postpones throat operation for pending projects

According to a TV5 executive, Nora was unable to work for eight taping days, which prompted them to rework the storyline and script for Never
by Jocelyn Dimaculangan
Published Apr 6, 2013


Kamakailan ay kinilala si Nora Aunor bilang haligi ng sining nang parangalan siya ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) sa 2013 Ani ng Dangal Awards.

Tinanggap ni Nora ang Ani ng Dangal sarimanok trophy na dinisenyo ng National Artist for Visual Arts na si Abdulmari Asia Imao. Si Nora Aunor ay kinilala para sa kanyang inaning tagumpay abroad bilang pagbibida sa pelikulang Thy Womb.

Bukod kay Nora, kinilala rin ang director ng pelikula na si Brillante Mendoza.

Ano ang pakiramdam ni Nora na tinuturing siya bilang haligi ng sining?

"Siguro isa lang ako sa mga dapat na tawagin na ganun pero marami pang dapat tawagin na ganyan sa industriya," saad ng Superstar.

Ang Ani ng Dangal ay iginagawad sa Filipino artist or group na nagtamo ng top honors sa international events.

Sa category ng cinema, ang ibang kinilala ay sina Adrian Sibal (The Rivals); Auraeus Solito (Busong); Charles Andrew Flamiano (Letting Go, Letting God); Christopher Gozum (Anacbuana); Eduardo Roy Jr. (Bahay Bata); John Paul Su (Pagpag); Lav Diaz (Florentinahubaldo); Lawrence Fajardo (Posas); Marlon Rivera (Ang Babae sa Septic Tank); Brandon Relucio & Ivan Zaldarriaga (Di Ingon 'Nato); Marty Syjuco (Give Up Tomorrow); Shamaine Buencamino (Niño); at Will Fredo (The Caregiver).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Sarah Geronimo rin ay isa sa mga recipients ng Ani ng Dangal Award para sa category na Multi-Disciplinary Arts. Kinilala siya dahil sa pagkapanalo niya bilang Best Asian Artist sa Mnet Asian Music Awards.

Sa naturang category, tumanggap rin ng parangal ang BBDO Guerrero para sa Pepsi/MyShelter Foundation's “Bottle of Light” project. Si Kara David ay kinilala para sa I-Witness documentary na “Alkansya” na nanalo ng UNICEF Child Rights Award sa Asia Broadcasting Union Awards 2012.

Ang child-oriented show na Wansapanataym ay kinilala rin ng NCCA dahil natamo nito ang Prize of the Children’s Jury, 7-11 Fiction, Prix Jeunesse International.



NORA'S THROAT OPERATION. Matagal nang gustong sumailalim sa operasyon si Nora upang maibalik ang kanyang tinaguriang "golden voice."

Tuloy na ba ang plano niya na sumailalim ng operasyon?

"Hindi pa dahil hindi ako pinayagan ng TV5," sinabi ni Nora sa interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naganap noong March 8 sa Cultural Center of the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mayroon kasi akong iniwanan na teleserye na Never Say Goodbye. Magre-resume kami ng first week of April.

"At may gagawin rin akong indie film sa Nueva Vizcaya na titled Ang Kwento ni Mabuti."

Kailan niya planong sumailalim sa throat operation?

"Pagkatapos na siguro ng movie yung surgery. Malalim yung tinamaan [sa lalamunan], yung vocal chords hindi naman tinamaan, e, sabi ng doctor ko sa Boston."

Pinabulaanan niya ang kumakalat na balitang pinatay na ang character niya sa Never Say Goodbye.

Paliwanag niya, "Paalis kasi ako noon at hindi ako makakapag-taping so gumawa sila ng paraan para habang wala ako, tuloy ang story."

Nagtampo ba siya nang kumalat ang negative publicity tungkol sa kanya dahil sa proyektong Never Say Goodbye?

"Medyo ng konti," pag-amin ni Nora. "Pero pagkatapos naman nun, nawala na."

Nag-usap na ba sila ng TV5?

"Nag-usap na kami pero pinabulaanan lang nila.

"Ang nangyari kasi kapag may napabalitang ganoon, hindi sila sumasagot kaya akala ng mga tao ay totoo. Pero hindi naman.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



TV5 EXECUTIVE GIVES EXPLANATION. Si Nora mismo ang nagsabi na ang TV5 ang nagpayo sa kanya na huwag muna magpa-opera sa throat.

Sa panayam ng PEP.ph kay Perci Intalan, Creative and Entertainment head ng TV5, kinuwento niya ang rason kung bakit na-delay ang throat operation ni Nora.

Nakausap siya ng PEP.ph sa presscon ng Karinderya Wars na ginanap noong April 3 sa Broadway studio along Aurora Boulevard, Quezon City.

Kuwento ni Perci, "Tinanong namin si Ate Guy, gaano ka-thorough na ba ang diagnosis sa 'yo sa Boston? Nag-second opinion ba?

"Kasi sabi ko, ang TV5 or rather si MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 chairman], may mga hospitals na puwede naman magbigay ng second opinion.

"Kumbaga, para doctor sa doctor ang mag-usap. Gagawin mo yun for a major operation.

"Then I said, may mga kilala ako na nagpatingin sa Boston at not necessarily guaranteed na sa simple procedure, babalik ang boses mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malaking halaga siya, malaking oras... siguraduhin natin.

"Just because nasa West Coast na kayo, hindi ibig sabihin pupunta na kayo sa Boston at magpapa-opera ka na and that's it.

"Masyadong delikado 'yan. It's an operation.

"Ang pinapayo ko lang sa kanya— and she understood it naman—kumuha tayo ng opinion ng mga doktor dito tapos kung meron man silang tanong, mag-usap sila bago kayo lumipad at magbayad ng malaking halaga for something na hindi ka sigurado.

"Buti na yung alam mo ang lahat.

"I said, 'Tapusin natin itong indie film at yung teleserye.' Then hindi ko alam kung gusto niya mag-celebrate ng birthday dito or doon [sa United States]."

Ang indie film na tinutukoy ay ang CineFilipino entry titled Ang Kwento ni Mabuti.

(CLICK HERE to read related article)

Ang TV5 ba ang magbabayad para sa operation ni Nora?

"Hindi namin covered ang ganun but she is prepared to shoulder it. Sabi ko rin naman sa kanya, pag-ipunan natin yun at ngayon pa lang, dapat nagtatabi na kayo for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinasabi namin, pwedeng manganak ng manganak ang gastos... for recovery, therapy.

"At nakakasiguro ba tayo na yun lang ang paraan considering sa Singapore meron na or baka nga dito meron na.

"Exhaust muna natin yun bago pumunta sa kabilang side ng mundo."

Dagdag pa ni Perci: "I always tell her na kailangan, dapat nasa kanya muna lahat ng impormasyon bago ka magpagalaw ng kahit ano sa katawan mo.

"Kahit ordinaryong pasyente ganun ang gagawin, ikaw pa na ang daming nakataya.

"Kasi she wants to do a concert ulit."



"TAMPO" WITH TV5. Sa naunang interview kay Nora, inamin ng Superstar na nagkaroon siya ng tampo sa TV5 dahil sa hindi nila pag-imik noong panahon na nagkaroon ng negative publicity tungkol sa kanya dahil sa Never Say Goodbye.

Pinaliwanag naman ni Perci na malaki ang ginawa nilang adjustment dahil nagkaroon ng sakit si Nora.

"There were 7-8 taping days na hindi niya napuntahan. Pupunta siya pero may sakit. Or the day before, hindi makakapunta kasi may sakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, once or twice that's okay. Pero the third time, nagsisimula sa concern.

"Obviously, there's something wrong sa katawan mo kung ang sakit mo hindi gumagaling.

"Ang lagi naming struggle, kailangan mong magpa-checkup para malaman kung ano ang ugat ng problema.

"E, ayaw niyang magpa-checkup until in the end, sinabihan siya ng doctor na she needs to rest for two weeks.

"At least, alam namin, alam ng production na two weeks siya magpapahinga.

"Around Christmas time yun at dapat that time, lilipad siya to go to the United States para ayusin ang green card niya. Pero hindi niya nagawa yun dahil yung sakit niya pabalik-balik.

"Kaya nagpahinga siya for two weeks at nagpunta siya sa States kaya we had no choice but to change the story [of Never Say Goodbye].

"Ang laki ng binago ng lahat ng bagay just because hindi natin alam kung ano ang sakit..."

Nang tanungin naman si Perci kung ano ang diagnosis kay Nora, sinabi niya na hindi niya alam kung ano exactly ang sakit niya dahil nakakaramdam ang Superstar ng shortness of breath pero hindi naman daw ito serious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results