JC de Vera admits fatherhood gave him a timely reality check

by Rose Garcia
Mar 2, 2019
JC de Vera reveals how fatherhood contributed to his maturity as a person: "Darating din yata sa point na... yun nga... siguro noong umapak na 'ko ng thirty. Kasi nga, nangamba na rin ako for myself. Thirty na ako, ang alam ko lang, negosyo. Kung iisipin ko after five years, sino si JC?"
PHOTO/S: @akosijcdeberat on Instagram

Masaya at positibo ang Kapamilya actor na si JC de Vera sa lahat ng aspeto ng buhay niya ngayon.

Sa kanyang showbiz career, isa siya sa leading men ni Angel Locsin sa The General’s Daughter, at tuluy-tuloy lang din siya sa gag show na Banana Sundae.

Sa personal niyang buhay, open at masaya si JC sa kanyang non-showbiz partner at sa kanilang baby girl.

Masaya niyang pahayag, “Sobrang masaya ang buhay ngayon.

“Maganda ang pasok ng trabaho.

“Maganda ang pasok ng family.

“Kumbaga, I'm so lucky to be blessed by the Lord.”

REALITY CHECK

Nagpapalasamat daw si JC na natagpuan niya ang babaeng para sa kanya, pagkatapos ng ilang relasyon dati.

Pagbabalik-tanaw niya, “Siyempre, lalaki ako.

“Lalo na yung twenties, may wild days din naman ako.

“Darating din yata sa point na... yun nga... siguro noong umapak na ako ng thirty.

Continue reading below ↓

“Kasi nga, nangamba na rin ako for myself.

“Thirty na ako, ang alam ko lang, negosyo.

“Kung iisipin ko, after five years, sino si JC?

“Hindi ko alam kung anong values ang ituturo ko kung sino man ang magiging anak ko, wala akong maipa-pass on.

“Hindi pa rin naman ako tumitirang mag-isa.

“Pero noong tumira na akong mag-isa, ito pala ang buhay talaga.

“Kailangan paghirapan ang bawat step.

“Hindi madali at, ever since, hindi ako umaasa sa household help.

“Yung tipong, “Pakilaba 'to, pakigawa 'to o pakilinis 'to.'

“Bumalik ako sa step one na kailangan kong aralin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC kamakailan lang sa ibinigay na pocket presscon sa kanya ng kanyang manager na si Leo Dominguez sa Rocket Cafe + Kitchen Restaurant sa Quezon City.

BUNDLE OF JOY

Magdadalawang taon na ang relasyon nila ng non-showbiz partner niyang si Rikkah Alyssa Cruz.

Continue reading below ↓

Eleven months naman ang kanilang anak na si Baby Lana.

Iba raw ang ibinibigay na kaligayahan ng baby niya.

Pagmamalaki ni JC, “Para siyang angel.

“Para siyang Red Bull na nagbibigay ng ibang energy.

“Palagi kang high, lalo na babae. At blessed kami kasi nga yung bata, very jolly.

“'Tapos, malambing sa magulang.

“Hindi namin siya nakikita na magiging problem child ‘to dahil playful, e.

“Makikita mo na yung bata, gusto lang niya matabihan sa pagtulog.

“Paggising mo, makipaglaro ka sa kanya.”

SHOWBIZ PLANS FOR BABY?

Ngayon pa lang daw, iniisip na nila kung sakali at makahiligan din ng anak niya na pasukin ang pag-aartista.

Sabi ni JC, “Yun ang pinag-iisipan namin kasi siyempre, alam naman natin ang industry na ‘to, minsan cruel.

“Kaya hindi natin alam kung ipapasok ba natin o hindi.

“Pero, nagli-lean kami dun sa huwag na muna.

Continue reading below ↓

“Kasi gusto naming makita niya muna ang mundo bago niya mapasok ang industry na ‘to.

“At least, kapag pinasok niya ang industry na ‘to, equipped na siya, matibay na ang loob niya.

“Marami na siyang alam at hindi na basta-basta masu-sway.”

WEDDING PLANS

Hindi naman itinanggi ni JC na napag-uusapan na nila ng ina ng kanyang anak ang kasal.

Ayon sa Kapamilya actor, “Pinag-uusapan na.

“Namimili na lang kami ng year talaga kung 2020, 2021 o 2022.

“But definitely, gusto namin na little bride si Lana. Siguro kapag mga two years old na.

“Gusto namin na naglalakad na, hindi yung hihinto.

“Yung kaya nang maglakad. Para little bride.”

DEFINITELY WIFE MATERIAL

Bilang isang lalaki, malaki pa rin daw ang paniniwala ni JC sa kasal.

Saad niya, “Oo, sobra! Yun ang nakalakihan ko, e.

“Gusto kong mamatay na meron akong makakasamang tatanda.

Continue reading below ↓

“Kasi nga, medyo yung personality ko, Western. Pati yung wife ko rin.

“Ayoko nung pagtanda ko, wala na kaming anak.

“Sino ang kasama ko? Gusto ko na magkasama kami.”

Marami raw silang similarities ng future wife niya.

Pareho raw silang Colegio de San Agustin noong High School sila.

Magkakilala na raw sila dati pa. Magkaibigan daw sila at pareho rin daw na konserbatibo ang pamilya nila.

Dagdag pa niya, “Umiikot kami sa isang mundo. Marami kaming likes and dislikes.

“Pero, ang pinakamagandang part, nakita ko na siya ang magiging maayos na magulang sa mga anak ko.

“Kasi nga, siyempre, mamimili ka kung anong klase ng image na mommy na magkaroon.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera reveals how fatherhood contributed to his maturity as a person: "Darating din yata sa point na... yun nga... siguro noong umapak na 'ko ng thirty. Kasi nga, nangamba na rin ako for myself. Thirty na ako, ang alam ko lang, negosyo. Kung iisipin ko after five years, sino si JC?"
PHOTO/S: @akosijcdeberat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results