Arjo Atayde posts photo of Maine Mendoza after she confirmed that they're dating

by Rachelle Siazon
Mar 3, 2019
Arjo Atayde posts photo of birthday girl Maine Mendoza, following her confession that having him in her life makes her really happy.
PHOTO/S: @ericjohnsalut on Instagram

Tila kinilig si Arjo Atayde, 28, sa pag-amin ni Maine Mendoza, 24, ng nararamdaman nito para sa kanya.

Ito ay dahil sa napa-post si Arjo ng litrato ni Maine sa Instagram Story ng binata bandang hatinggabi nitong Linggo, March 3.

Halos kasabay ito ng pagtatapat ni Maine na nasa "dating" stage na sila ni Arjo, sa blog entry niya kagabi, March 2, na bisperas ng 24th birthday ng dalaga.

Solo lang si Maine sa litrato na tila kuha sa isang dinner cruise, na ang view ay city skyline ng hindi pinangalanang lugar.

Walang isinulat na anumang caption si Arjo.

Continue reading below ↓
IMAGE @arjoatayde Instagram Story

Pero noon pa lang January 22, 2019, una nang naghayag si Arjo na "exclusively dating" sila ni Maine.

Nasabi rin ng aktor na masaya siya sa piling ni Maine at humahanga raw siya sa kabuuang personalidad ng dalaga.

"She makes me laugh all the time," dagdag pa noon ni Arjo.

Bandang second week naman ng February 2019 ay sabay na may ginawang trabaho sina Arjo at Maine sa Amerika.

Si Arjo ay bahagi ng concert ni Maja Salvador sa Virginia, habang si Maine ay dumalo sa events ng ineendorso niyang makeup brand sa New York.

Hinihinalang nagkita ang dalawa roon, base na rin sa post ni Arjo na ang "last stop" niya ay kay Maine.

Todo-suporta rin si Arjo nang ilunsad si Maine bilang endorser ng isa pang makeup line ng lipstick brand na ineendorso ng dalaga.

Pumayag pa silang makunan ng sweet photos na magkasama, at isa rito ay ibinahagi ni Maine sa kanyang Instagram Story nito lang February 21.

Continue reading below ↓

Patunay ito na patuloy na nagkakahulugan ng loob ang dalawa.

Sabi nga ni Maine sa kanyang blog entry, pinapatunayan ni Arjo ang magandang intensiyon nito sa kanya sa pamamagitan ng "extra effort" nito para mapasaya lang siya.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde posts photo of birthday girl Maine Mendoza, following her confession that having him in her life makes her really happy.
PHOTO/S: @ericjohnsalut on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results