Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Taiwan airport

by Rachelle Siazon
Mar 4, 2019
On her 24th birthday, Maine Mendoza is spotted with Arjo Atayde and her handler Mike Uycoco waiting at what appears to be an airport terminal in Taiwan. While Maine and Arjo have yet to identify their whereabouts, the Eat Bulaga Dabarkads shared on her Instagram Story a snapshot of a known restobar in Taipei, Taiwan.
PHOTO/S: @everythingarmaine Instagram (CTTO)

Hindi pa natatapos ang kilig happenings kaugnay ng namumuong espesyal na pagtitinginan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Kasunod ng kumpirmasyon ni Maine na si Arjo ang lalaking nagpapasaya sa kanyang buhay ngayon, namataan silang magkasama sa isang airport terminal.

Hinihinalang airport ito sa Taiwan, base sa estilo ng ceiling, na katulad ng sa Taiwan Taoyuan International Airport.

Nakunan ng litrato sina Maine at Arjo, at isang netizen ang nag-upload nito sa Instagram kahapon, March 3, mismong ika-24 na kaarawan ng dalaga.

Makikitang naroon din ang handler ni Maine na si Mike Uycoco at nakatayo silang tatlo kalapit ng ilang luggage.

Continue reading below ↓

Pasado 11 p.m. nang mag-post si Maine sa kanyang Instagram Story ng isang litrato ng isang dim-lit restobar na may red Chinese characters sa bar area.

IMAGE @mainedcm Instagram Story

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang English translation nito ay "drunk as a dream."

Kuha ito sa Hanko 60, isang kilalang restobar sa #60 Hankou Street, Wanhua District, Taipei City, Taiwan.

Continue reading below ↓

Si Arjo naman ay nag-post sa kanyang Instagram Story ng litrato ng isang restaurant at isa pang litrato na tila kuha sa isang night market.

Continue reading below ↓
IMAGE @arjoatayde Instagram Story
IMAGE @arjoatayde Instagram Story

Sabado ng gabi, March 2, nang aminin ni Maine sa kanyang blog entry na matagal na silang nagdi-date ni Arjo.

Aminado raw siyang maraming hindi pabor sa ugnayan nila ni Arjo, pero nakiusap ang dalaga na sana ay tigilan na ang pagbato ng masasakit na salita laban sa Kapamilya actor at sa pamilya nito.

Siniguro ni Maine na masaya siya sa piling ni Arjo, at aprubado ito ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Sinegundahan naman ito ni Arjo, sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kahapon.

Sinabi rito ni Arjo na si Maine ang kanyang "my reason for being."

Bago ito, sa panayam niya sa PEP.ph noong January 22, iginiit ni Arjo na handa siyang ipaglaban ang mayroon sila ni Maine.

Kaya raw palampasin ni Arjo ang pambabatikos sa kanya, huwag lang si Maine at ang kanyang pamilya.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On her 24th birthday, Maine Mendoza is spotted with Arjo Atayde and her handler Mike Uycoco waiting at what appears to be an airport terminal in Taiwan. While Maine and Arjo have yet to identify their whereabouts, the Eat Bulaga Dabarkads shared on her Instagram Story a snapshot of a known restobar in Taipei, Taiwan.
PHOTO/S: @everythingarmaine Instagram (CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results