PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola shows her sexy side in Sabel; differentiates her new teleserye from Katorse

Jessy will be paired with Joseph Marco and AJ Perez in ABS-CBN's newest primetime series.
Published Dec 4, 2010
Jessy Mendiola (middle) reprises the role that launched Snooky Serna as an actress in the 1981 Regal classic Bata Pa Si Sabel. In ABS-CBN's newest primetime show titled Sabel, Jessy will be paired with Joseph Marco (left) and AJ Perez (right).

Ang pinakabagong primetime show ng ABS-CBN, ang Sabel, ay magsisimula na sa Lunes, December 6. Pinagbibidahan ng mga young stars na sina Jessy Mendiola, AJ Perez at Joseph Marco, ito ay ang TV adaptation ng launching movie ni Snooky Serna na Bata Pa Si Sabel (1981).

Ito ay kuwento ng 16 taong gulang na si Sabel. Ayon kay Jessy, ang karakter niya ay "pilya, sweet, sobrang siga at palaban na dalaga." Kaibigan niya sina Bido (AJ) na isang seminarista at ang half-brother niyang si Raymond (Joseph), na isa namang bad boy. Iikot ang istorya sa relasyon ng tatlo, kung saan ang parehong lalake ay mapapa-ibig kay Sabel. Susundan nito ang paglaki at pag-mature ng mga pangunahing tauhan at kung paano lalago ang kanilang mga pagkatao.

Sa presscon para sa programa kamakailan ay lubos na nagpasalamat si Jessy sa unang pagkakataong maging bida sa isang teleserye sa ABS-CBN.


"Minsan lang po dumating ang oportunidad na ganito, Sobrang laki po ng pasasalamat ko kasi sa dami dami ng magagandang batang artista ngayon, ako po ang napili nila na gumanap na Sabel." Pero dahil din kauna-unahang starring role niya ito at siya ang nagdadala ng programa, inamin niyang: "Siyempre po, di po mawawala yung kaba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maaalis sa mga manonood na ikumpara ang Sabel sa Katorse, na nagpasikat nang husto sa isa pang Kapamilya star na si Erich Gonzales.


Ayon naman kay Jessy, "Sa trailer pa lang po, makikitang magkaibang magkaiba po ang istorya. Magkaiba po sina Sabel at Nene." At sa pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Erich, aniya: "Magkaiba naman po kami. Hindi ko po iniisip na ipag-compare kaming dalawa. Puwede ko naman pong higitan ang sarili ko. Kumbaga, ang kompetisyon ko po ay sarili ko. Kasi po si Erich, mas nauna po sa akin. Nire-respect ko po 'yung Katorse niya."

"Magpapakita po ako ng konting sexiness. I think it's time na magpakita naman ako ng iba. In real life, I'm a shy person, pero ngayon, I'm starting to think about looking good, dressing very well." Hindi man hinihingi sa kanya, inamin ni Jessy na nagpapapayat siya para sa role of a lifetime na ito.


Inamin din nina AJ at Joseph na sila man ay nag-e-exercise at nagda-diet para sa hunky roles nila. Si AJ ay miyembro ng Gigger Boys na nakatrabaho na dati si Jessy para sa programang Your Song presents Boystown. Si Joseph naman ay isang commercial model na isang newbie pagdating sa pag-arte.


Tungkol sa kanyang mga leading man sa teleserye, ganito sila pinagkakaiba ni Jessy: "AJ is very noisy, Joseph is very serious and quiet. Joseph is more of the serious type, AJ is more the boy next door type." At kung sa totoong buhay, kanino naman daw mas mapapalapit si Jessy? Ito lamang ang sagot niya: "Gusto ko po serious type, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakalaking pagkakataon nga ito kay Jessy, na ipinagpaliban pa ang pagkakaroon ng debut celebration dahil sa tight schedule ng taping para sa Sabel. "Pero napakaganda namang regalo nito," aniya.

Overwhelmed nga si Jessy sa pagkakataong ito na binigay sa kanya ng Kapamilya Network, matapos ang pananatili sa showbiz ng apat na taon. "Sobrang suwerte ko po na nabigyan ako ng lead role sa pang-gabi. Suwerte ko na nahilera ako kina Empress [Schuck], Andi [Eigenmann], Erich [Gonzales], Kim [Chiu]...ang mga princesses ng ABS-CBN. Malaki po yung respeto ko sa bawat isa sa kanila. Kasi nakikita ko po yung improvement nila. Mula pagkabata hanggang ngayon nga na nag-bloom sila. And siyempre, gusto ko din po maging ganoon, but in my own way."

Kasama rin sa Sabel ang ilan pang beteranong artista sa local showbiz: Rita Avila, Raymund Bagatsing, Daria Ramirez, Tommy Abuel, Ron Morales at Glydel Mercado.


Sa ilalim ng direksyon ni Don Cuaresma, iikot ang kwento ng Sabel (Jessy Mendiola) sa isang batang babae na isunumpa ng may kamalasan. Sa kanyang paglaki, mahuhulog sa bitag ng pag-ibig ang dalaga. Kahit pa pinagsabihan na ng mga nakatatanda sa kanya, sinunod pa rin nito ang tibok ng kanyang puso kahit pa ang kapalit nito ay sakit at hapdi sa puso.


Saksihan ang isang mature Jessy Mendiola sa Sabel pagkatapos ng Shout Out sa ABS-CBN na maguumpisa na sa December 6, 2010.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola (middle) reprises the role that launched Snooky Serna as an actress in the 1981 Regal classic Bata Pa Si Sabel. In ABS-CBN's newest primetime show titled Sabel, Jessy will be paired with Joseph Marco (left) and AJ Perez (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results