PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:
"Mas tumitindi pa ang mga eksena sa top-rating series sa ABS-CBN, ang Mara Clara, sabay sa pagtaas pa ng ratings nito.
"Noong Miyerkules (November 8), nakamit ng Mara Clara ang unang pwesto sa top 20 programs nationwide ayon sa Kantar Media. Nakakuha ng 27.1% na rating ang nasabing palabas kaya naman tinalo nito ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Jillian: Namamasko Po na 14.6% lamang ang nakuha.
"Samantala, halos magulpi si Mara (Kathryn Bernardo) ni Gary (Jhong Hilario) dahil nabalitaan ng huli mula kay Clara (Julia Montes) na si Mara ay kayakap si Christian (Albie Casino). Ang totoo niyan ay dinadamayan lang naman ni Mara ang kaibigan. Ngunit iba ang naging basa ng kanyang matalik na kaibigan at matinding kaaway na si Clara at akala'y lumalandi na si Mara.
"Magiging ugat kaya ito ng mas malalim pa na pagaaway nina Mara at Clara? Abangan ang mga susunod na tagpo sa Mara Clara sa ABS-CBN pagkatapos ng Noah sa Primetime Bida."
Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the TV station itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.