PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon reveals challenges of shooting drama and action scenes for Dugong Buhay

Ejay considers Nonie Buencamino as his mentor in ABS-CBN's afternoon series.
by Joyce Jimenez
Published Apr 30, 2013
Sinabi ni Ejay Falcon na marami siyang natutunan mula sa itinuturing niyang mentor na si Nonie Buencamino. “Kailangan ko lang maramdaman lagi ‘yong eksena at kailangan ko tumingin sa mata ng mga ka-eksena ko,” pagbabahagi ni Ejay sa ilang natutunan niya.

Ang beteranong aktor na si Nonie Buencamino ang maituturing ni Ejay Falcon na mentor sa action-drama series na Dugong Buhay.

Si Ejay ang lead star sa Carlo J. Caparas komiks-turned-serye na ito ng ABS-CBN. Maituturing ni Ejay na big break niya ito sa kanyang career.

“Si Tito Nonie kasi tutok,” kuwento ni Ejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press.

“Kahit wala siyang eksena pumupunta siya sa taping para lang i-guide kami. Kasi ‘yon… kailangan namin matuto, kasi pabigat nang pabigat ‘yong mga eksena, e.”

Pero ang maituturing ni Ejay na pinakanagagamit niyang tip mula kay Nonie ay “kailangan ko lang maramdaman lagi ‘yong eksena at kailangan ko tumingin sa mata ng mga ka-eksena ko.

“Tsaka ‘yong nuances ni Victor [character ni Ejay sa teleserye], kailangan laging… kasi minsan may mga eksena na ang hirap umanggulo. Minsan tumango ako, hindi nakunan ng camera.

“Siguro ‘yon ang masasabi kong mas natutunan ko kay Tito Nonie, kasi mas naanggulo ko ‘yong nuances ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIGHT SCENES. Inamin rin ni Ejay na nahirapan siyang pagsabayin ang paggawa ng action scenes at pagda-drama.

Aniya, “Ito kasing Dugong Buhay, kung ikukumpara ko sa iba kong teleserye, ito ‘yong pinakamabigat. Kasi gagawa ka ng drama na nag-a-action ka.

“Mahirap kasi pagsabayin ‘yon, e, action tapos nagda-drama ka, nakikipagsuntukan ka habang umaarte ka, mahirap, mahirap gawin ‘yon.

“So ‘yon talaga ang malaking challenge sa akin, at siyempre aminin natin na kapag fight scene, sakit ng katawan ang aabutin mo dyan.”

Napag-usapan na rin ang fight scenes, napuna ng marami na tila hindi basta-basta ang mga action scenes sa teleseryeng ito.

Kaya naman inalala ng ilan, baka nagkakasakitan na ang mga baguhang aktor kapag kinukunan ang mga ganitong eksena.

“Wala, wala pa naman nagkakasakitan,” mabilis na tugon ni Ejay.

Naiiwasan daw ito dahil na rin sa paggabay sa kanila ni Nonie Buencamino, at ng kanilang direktor na si Toto Natividad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi choreographed lahat ‘yon, sa rehearsal pa lang nakikita na namin, nagagawa na namin kaya ‘pag nag-take madali na, naiiwasan namin.

“Mahusay si Direk Toto [Natividad], e!

“Minsan nga ‘yong ginagawa namin, parang hindi pa ako satisfied na parang, ‘Ay, siguro hindi ito gano’n kaganda,’ pero ‘pag napalabas na, sobrang ganda!”

Mapapanood na sa susunod na mga episodes ng Dugong Buhay ang pagiging malapit nina Victor (Ejay) at Rafael (Arjo Atayde), kung paano isasagawa ni Victor ang kanyang paghihiganti sa pamilya De Lara o kung itutuloy pa ba niya ito.

Ipinapalabas ang Dugong Buhay Lunes hanggang Biyernes 3:45 PM, sa Kapamilya Gold afternoon block ng ABS-CBN.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinabi ni Ejay Falcon na marami siyang natutunan mula sa itinuturing niyang mentor na si Nonie Buencamino. “Kailangan ko lang maramdaman lagi ‘yong eksena at kailangan ko tumingin sa mata ng mga ka-eksena ko,” pagbabahagi ni Ejay sa ilang natutunan niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results