PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5's Star Confessions will feature the story of Joseph Bitangcol

The December 22 episode will feature the acting debut of Eula Caballero, the winner of "Star Factor."
Published Dec 21, 2010
"Patunay ang programang ito na sa likod ng maniningning na bituin ay nagkukubli ang mga kwento ng pagsisikap, hinagpis, tagumpay at halakhak ng mga artista," says Cristy Fermin (not in photo) about the stories of stars featured in TV5's Star Confessions. Tonight's episode will feature Joseph Bitangcol (in photo).

PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Sa likod ng maniningning na bituin ay nagkukubli ang mga kwentong naghihintay ng pagsasalaysay. Kasama ang Ina ng Showbiz Talk na si Cristy Fermin, bibigyang-halaga ng Star Confessions ang mga istorya ng buhay ng mga paborito mong kontrobersyal na artista tuwing Miyerkules ng gabi pagkatapos ng Willing Willie.

"Dalawang linggo pa lang na nagtatanghal, instant hit na ang Star Confessions sa mga manunuod. Base sa datos ng Nielsen Media Research, nagtamo ng mas mataas na audience share ang programa (29.8%) sa MegaTam noong Disyembre 8 kumpara sa Grazilda ng GMA-7 (26.7%); habang nahila nito pababa ang mataas na ratings ng Imortal ng ABS-CBN (31.5%). Sa kauna-unahang episode ng Star Confessions mas nakilala ng publiko si April Gustilo, isa sa mga WW.Girls sa programang Willing Willie na sumikat dahil sa husay nito sa pag-giling habang sinasambit ang "Congratulations!" Samantala, nakiiyak ang milyon-milyong manunuod sa kwento ni Shalala sa "Blind Item: The Shalala Confessions," na siyang isa sa pinaka-tinutukang programa sa primetime noong Disyembre 15 na nagtala 22.6% audience share.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang mga numero na po ang makapagsasabi kung gaano kainit ang pagtanggap ng publiko sa aming palabas. Kaya naman sampu ng bumubuo ng Star Confessions, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ng mga Kapatid natin sa bagong haing drama ng TV5," ayon kay Cristy Fermin. "Patunay ang programang ito na sa likod ng maniningning na bituin ay nagkukubli ang mga kwento ng pagsisikap, hinagpis, tagumpay at halakhak ng mga artista," pagpapatuloy pa niya.

"Magiging kapana-panabik naman ang Star Confessions sa Miyerkules (Disyembre 22), dahil isasalaysay dito ang mapait na bahagi ng buhay ng 'Barbecue Boy' sa episode na "Love Team: The Joseph Bitangcol Confessions." Matapos mapabilang sa top 10 ng isang reality talent search noong 2004, naging karelasyon ni Joseph ang noo'y sikat na baguhang artistang si Sandara Park, isang Korean migrant na namuhay sa Manila bago bumalik sa South Korea noong 2007. Kasabay ng pananamlay ng showbiz career ng dalawa ay ang paglaylay naman ng kanilang pagsasama. Habang nakabangon si Sandara (kilala na ngayon bilang "Dara") at sumikat sa buong Asya bilang miyembro ng international Korean girl group na 2NE1, halos nawala naman sa sirkulasyon si Joseph. Sunod-sunod ang naging dagok sa 26-anyos na aktor. Habang pabawas nang pabawas ang proyekto sa showbiz, nagkasakit ang ama at nasalanta ng bagyong Ondoy ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaabang-abang din ang episode dahil ito ang kauna-unahang dramang gaganapan ni Eula Caballero (bilang Sandara Park), ang first-ever Brightest Star ng Star Factor. Samantala, si Felix Roco naman ang gaganap bilang Joseph Bitangcol, habang sina Pen Medina at Jobelle Salvador ang mga magulang ni Joseph. Ang episode ay idinirehe ni Robert Quebral.

"Tutukan ang mas pagkinang ng inyong mga paboritong bituin sa Star Confessions tuwing Miyerkules ng gabi pagkatapos ng Willing Willie sa TV5."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the TV station itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Patunay ang programang ito na sa likod ng maniningning na bituin ay nagkukubli ang mga kwento ng pagsisikap, hinagpis, tagumpay at halakhak ng mga artista," says Cristy Fermin (not in photo) about the stories of stars featured in TV5's Star Confessions. Tonight's episode will feature Joseph Bitangcol (in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results