Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jerrold Tarog hinggil sa kanyang desisyon na i-direk ang isang episode ng Shake, Rattle & Roll XII para sa Regal Entertainment, Inc.
"I just thought it would be fun to do after spending months doing post [production] for SY (Senior Year). Decent naman 'yung script kahit hindi groundbreaking," pagtukoy ni Direk Jerrold.
Senior Year is Direk Jerrold's indie film about a batch of graduating high school students. Dahil ginagawa niya noon ang "Punerarya" episode ng SRR XII, na-move ang mga naitakdang premiere screenings (noong Setyembre at Oktubre) ng Senior Year.
ARTISTIC COMPROMISE? Sa tatlong full-length features na nagawa na ni Jerrold Tarog—Confessional (2007), Mangatyanan (2009), at Senior Year (2010)—ang identity niya bilang isang serious filmmaker ay agad ngang na-establish.
Ang Senior Year ay isa sa limang independent films na pinili para sa 2010 Metro Manila Film Festival's"Tribute to Indie Films—Philippines Premiere."
Bukod pa rito, nakilala rin si Direk Jerrold bilang isang premyadong direktor ng short films—Carpool at Faculty—at naprangalan na rin siya para sa mahusay niyang music scoring, editing, at sound design sa iba't ibang proyekto.
Dagdag dito, hinirang din siya bilang full-fledged actor sa kanyang film debut, Confessional.
Now that he has agreed to be part of a "commercial" thriller franchise like Shake, Rattle and Roll XII, para sa episode na "Punerarya," natanong siya ng PEP: isa ba itong compromise sa kanyang makasining na gawain?
Sagot ni Jerrold, "Wala namang artistic compromise, since I accepted the project for fun."
In "Punerarya," Jerrold is dealing with characters who turn into wolves, or wolf-like creatures, as a result of an ancient curse.
Sa nakaraang SRR series noong '90s, may episode na dinirek si Peque Gallaga ("Ang Guro") na tumukoy rin sa kuwento ng isang teacher turning into a wolf. Ginampanan 'yon ni Edu Manzano, with Manilyn Reynes as his student.
Gaano ka-similar ang "Punerarya" episode sa naturang Peque Gallaga episode na meron ding wolves o wolf-like creatures?
"As for similarities with Peque's episode, I don't know anything about it since I haven't seen the episode," wika ni Jerrold.
"Plus, it's really not my concern because, as I said, I'm just doing this project for fun. No statements about Pinoy cinema or anything."
SAME PRODUCTION TEAM. Smooth-sailing ang naging pag-shooting nina Jerrold Tarog at mga kasama niyang artista at technical staff para sa "Punerarya" episode na sinulat ng scriptwriter na si Onay Sales.
Mukhang namang totoong nag-enjoy ang lahat sa shooting na ginanap mostly out of town, sa Dasmarinas, Cavite, ng di lalampas ng 10 araw, sa pagitan ng Oktubre 5 at 26, 2010.
Kabilang sa cast ng episode na ito sina Sid Lucero, Carla Abellana, Mart Escudero, Nash Aguas, Jess Evardone, Anna Valencia, Gaby dela Merced, Dennis Coronel, Althea Vega, Aldrich Darren, at Ms. Odette Khan.
"I came to the project with my production team intact," sabi rin ni Jerrold. "That would mean DOP (Director of Photography) Mackie Galvez, PD (Production Designer) Ben Padero, and AD (Assistant Director) Bianca Balbuena. I'll be doing the music for this film pero hindi na ako sa editing and sound design."
Sa casting ay Regal na ang namahala. "I just said to myself I'll gladly accept whoever they choose," sabi rin Jerrold, na naging masaya naman sa pakikipag-trabaho sa buong cast.
"The cast has been fun to work with. Bagay din naman sila sa roles. No complaints."
"COOL" DIRECTOR. Nakabisita ang PEP sa isang vacant building lot na pag-aari ni Mother Lily Monteverde sa Pinaglabanan, San Juan, kunsaan ginawa ang second-to-the-last shooting day ng "Punerarya" episode.
Doo'y nagtayo ng makeshift set ang production designer na si Benjamin Padero at and kanyang staff bilang replica ng totoong funeral parlor na nasa Dasmarinas, Cavite. Makeshift ito dahil kailangan nilang sunugin ang kabuuan ng set, na hindi nila puwedeng gawin sa totoong location.
Base sa naobserbahan ng PEP sa buong magdamag na shooting ni Direk Jerrold, maganda ang visuals (shot composition, texture, at color, na mai-improve pa sa grading nito) sa highlight ng episode.
Nakakatakot ang itsura ng mga halimaw, na may mga pangil, minus the hairy face na makikita sa wolf-like creatures. At yun ang kaibahan ng mga tauhan sa "Punerarya" episode, kung ihahambing sa episode noon ni Peque Gallaga.
PEP asked Direk Jerrold kung ano ang kaibahan ng paggawa ng isang "mainstream" movie at indie films na nakagawian niya?
"Wala namang masyadong difference," sagot ni Jerrold. "We're using the same equipment, as with the indie movies... mas marami nga lang tao sa set."
Bilang direktor, tahimik at sabi nga'y "very cool" si Direk Jerrold. Lahat ng kasama niya sa set ay nagpapatotoo ng ganitong katangian ng direktor sa una niyang mainstream feature (trilogy episode).
"Wala namang rason para mainis," sabi ng director. "It's been a smooth relationship, so far, with Roselle Monteverde [Mother Lily's daughter] and Manny Valera [supervising producer]. No complaints. Maganda naman ang collaboration."
Maging ang mga artista, hindi nagku-complain kahit paulit-ulit ang takes na ipinagagawa ni Jerrold. "Ulit nang ulit, hanggang makuha nila nang tama," rason pa ng direktor.
Kuwento ni Jerrold tungkol sa child star na si Anna Valencia: "Tinanong siya, e, 'Kumusta ang working relationship mo sa direktor n'yo?; Sagot daw, 'Okay lang. Hindi siya nagmumura...' Sabi ko, bakit, gusto mo akong magmura? Sige...'"
At natawa lang si Jerrold. "Wala namang rason," ulit niya. "Iba naman, trabaho naman ito. Wala talagang impulse, walang kailangan. Stress na nga sa trabaho... ang stress, nasa loob lang."
Bukod sa "Punerarya" episode, ang dalawa pang episodes ng Shake, Rattle & Roll XII ay ang "Isla Engkanto," directed by Topel Lee, with lead stars Andi Eigenmann and Rayver Cruz, at "Mamanyika," directed by Zoren Legaspi, with lead stars Shaina Magdayao and Ricky Davao.
Palabas na ang Shake, Rattle and Roll XII sa mga cinemas nationwide. Sa Gabi ng Parangal ng 36th Metro Manila Film Festival, na-nominate si Carla Abellana para sa Best Actress category.
Si Marian Rivera ng Super Inday and the Golden Bibe at si Ai-Ai delas Alas ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) naman ang ibang nominees. Ang Concert Comedy Queen na si Ai-Ai ang nanalo para sa kategoryang ito. (CLICK HERE to read PEP's review on SRR XII)
(CLICK HERE to view the complete list of winners)