PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga will celebrate her 10th anniversary in showbiz on ASAP Rocks 4U

The '80s English pop-rock group China Crisis will guest in ABS-CBN's Sunday variety show.
Published Jan 13, 2011
For the January 16 episode of ASAP Rocks 4U, Toni Gonzaga will mark her first decade in the showbiz industry. The '80s English pop-rock group China Crisis will also guest in ABS-CBN's Sunday variety show.


PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Sa napaka-espesyal na ASAP ROCKS 4U episode, bibigyang katuparan ng mga paboritong bituin ng ASAP ang iba't ibang hiling ng ating mga Kapamilya mula sa iba't ibang panig ng mundo.

"Sa nagdaang mga linggo, masusing kinalap, binasa at pinili ng ASAP ROCKS ang mga natatanging requests mula sa libu-libong nagpadala sa ASAP official accounts sa Twitter, Facebook at maging sa mga phonecalls at emails na natanggap ng mga staff at crew ng ASAP.


"Saksihan ang isa na namang makapigil-hiningang world-class opening performance na garantisadong magmamarka sa puso't isipan ng bawat kapamilya at magpapatotoo sa kahusayan ng mga Pinoy artists. Kabilang din ang most requested na ASAP tambalan.


CONCERT EXPERIENCE PARA SA 'YO. Hindi matatawarang back to back concert pasabog ang ihahatid ng ASAP ROCKS sa pagpapatuloy ng pinag-uusapang ASAP Concert Experience.


"Magniningning ang ASAP centerstage dahil ang most requested ASAP Concert Icon—ang nag-iisang Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang magpapakitang gilas.


"Bubuhayin naman ng ASAP SESSIONISTAS ang mga natatanging musika at kwentong buhay ng ating mga kapamilya. Isang makabagbag-damdaming jamming ang ihahatid ng ating paboritong SESSIONISTAS na base sa mga ipinadalang requests ng mga Kapamilya sa buong mundo. Baka kuwento mo na ang ibabahagi kaya 'wag na 'wag ninyo itong palalampasin.


"Matinding vocal prowess ang ipapamalas nina Martin Nievera, Billy Crawford, Vina Morales at Arnel Pineda. Makakasama din nilang magbigay ng ibang rendisyon sa mga makapatid-litid na awitin ang mga paborito ng masa na sina Erik Santos, Christian Bautista, Yeng Constantino at Sarah Geronimo.


"Sa pagpapatuloy ng special by-request episode ng ASAP, saksihan ang isa na namang hindi malilimutang birthday surprise para sa Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual.


"Isang maningning na dekada ang ipagdiriwang ng nag-iisang Ultimate Media Star na si Toni Gonzaga. Makisaya sa matagumpay na sampung taong pagdiriwang ni Toni sa showbiz.


"Makikibahagi rin ang paboritong '80s English Pop/Rock Band na China Crisis na nagpasikat sa mga awiting 'Wishful Thinking.'


"Hindi pa diyan nagtatapos ang world-class performance dahil may mga pasabog din ang mga ASAP Boys, ASAP Girls at ASAP Acoustic Stars.


"Ihahatid ng pinaka-sikat na dance class na DANCE U ang mga pinag-uusapang dance moves. Saksihan ang paghataw ng ating mga kapamilya dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa kasama ang mga maningning na bituin ng ASAP ROCKS. Alamin kung sino ang mga bagong enrolled na stars sa DANCE U ngayong linggo.


"Garantisadong panalong showdown ang hatid ng di-mapantayang ASAP Supahdance. Yayanigin ng inyong mga paboritong ASAP SUPAHSTARS ang ASAP dancefloor kasama ang mga pinaka-maangas na Pinoy Dance Crews kasama sina Kim Chiu, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Iya Villania, Bugoy, Rayver Cruz, John Prats at Anne Curtis.


"Mapapanood ang ASAP ROCKS 4U ngayong Linggo, January 16, sa ganap na 12:15 ng tanghali."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the January 16 episode of ASAP Rocks 4U, Toni Gonzaga will mark her first decade in the showbiz industry. The '80s English pop-rock group China Crisis will also guest in ABS-CBN's Sunday variety show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results