PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban feels challenged while doing horror for Bulong

Also starring Vhong Navarro and Bangs Garcia, this Star Cinema film will open on February 2, 2011.
by Mari-An Santos
Published Jan 17, 2011
"Bago yung horror sa akin, dati nakagawa ako [ng pelikula kung saan] ako yung multo. Mahirap siya kasi siyempre, yung imagination mo. Pinaglalaruan 'yung isip mo," says Angelica Panganiban about her upcoming horror-comedy film Bulong .

Noong Sabado, January 15, ay live na nakapanayam ni Luis Manzano si Angelica Panganiban sa talk show ng ABS-CBN na Entertainment Live.


Magkasama sina Angelica at Vhong Navarro sa pelikulang Bulong ng Star Cinema. Sa VTR interview ni Vhong, sinabi nito na tuwang-tuwa siya na makasama ni Angelica. "Noon, bata pa [si Angelica]. Ngayon, dalaga na," sabi ng komedyante tungkol sa kanyang co-star sa horror-comedy film na ito.

CHALLENGING GENRE. Tinanong ni Luis Manzano kung ano ang nararamdaman ni Angelica sa bagong pelikulang ito. "Natutuwa ako," sabi ni Angelica tungkol sa proyekto na idinerehe ni Direk Chito Roño.


Biro pa niya: "Mahirap palang matakot, di pala akong magandang matakot. Sabi ni Direk Chito: 'Di ka pala magandang matakot, ang pangit mo!'"

Inamin ng aktres na hindi naging madali ang pagsabak niya sa naturang genre. "Bago yung horror sa akin, dati nakagawa ako [ng pelikula kung saan] ako yung multo. Mahirap siya kasi siyempre, 'yung imagination mo. Pinaglalaruan 'yung isip mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Mahirap na masaya. Yung maganda naman kasi sa Bulong, nagko-comedy kami. So kahit mukhang tanga na yung reaksyon ko, okay lang," pagsisiwalat ni Angelica na huling napanood sa comedy film na Here Comes the Bride (2010).

Ibinuko ni Vhong na sa shooting ng pelikula ay mas gusto pang kaharap ni Angelica ang computer games kaysa kausapin siya.


"Mahilig kasi akong maglaro sa computer," paliwanag ni Angelica. "Tutok lang ako parati. Sa dressing room, sa tent, sa standby area...di ko siya pinapansin talaga. Games lang ang ginagawa ko," natatawang pagbunyag ng aktres.


Honored naman daw si Angelica na makasama sa pelikula si Vhong. "Maraming gustong makatrabaho si Vhong dahil sa generation niya, siya 'yong pinakamahusay na komedyante," ani Angelica.

FIRST CHRISTMAS CARD TO HER BIOLOGICAL DAD. Sa naturang palabas, kinumusta din ni Luis ang relasyon ni Angelica sa kanyang tunay na ama na si Mark Charlson na kamakailan lamang niya nakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Masaya. Masarap yung pakiramdam na may tinatawagan ka, may binabati ka," kuwento ng dalaga. "Gumawa ako ng card para sa kanya. Pinadala ko. Ang weird nung pakiramdam na for the first time in 24 years, ngayon lang ako gumawa ng greeting card para sa Daddy ko."


Noong December 5, 2010, inamin ni Angelica na nakilala na niya ang kanyang biological father na dating kasapi sa US Navy na nakabase dito sa Pilipinas. (CLICK HERE to read related article)


"Madalas kaming mag-usap. Kagabi nga, tumawag siya. E, 'di ako ready mag-English. Dapat sinasabihan niya muna ako. So sabi ko, 'I'm busy,'" pagpapatawa ng dalagang komedyante.

Di pa man nakikita sa personal ay boto naman daw ang kanyang Daddy sa boyfriend niyang si Derek Ramsey. "Mukha namang gustong gusto niya. Nagkausap sila nung birthday ni Derek kasi tumawag siya. Binati niya si Derek. Sobrang bait! Sobrang nakakatuwa.

"Kasi...wala lang... Nakaka-overwhelm. Parang hanggang ngayon, di pa rin nagsi-sink in sa akin lahat," pagtatapos ni Angelica.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod kina Vhong at Angelica, parte rin ng horror-comedy film na Bulong si Bangs Garcia. Ito ang unang pelikulang handog ng Star Cinema sa taong 2011. Ito ay directed by Chito Roño at sa February 1 ang premiere night nito.


Mapapanood na ito sa cinemas nationwide simula February 2, 2011.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bago yung horror sa akin, dati nakagawa ako [ng pelikula kung saan] ako yung multo. Mahirap siya kasi siyempre, yung imagination mo. Pinaglalaruan 'yung isip mo," says Angelica Panganiban about her upcoming horror-comedy film Bulong .
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results