PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Star Power finalist Krissel Valdez

Krissel is touched by Sharon Cuneta's kindness.
by Mark Angelo Ching
Published Jan 21, 2011
Nang tanungin si Krissel Valdez kung ano ang naging sakripisyo niya para sumali sa Star Power, kinuwento niya ang pagbabago na ginawa niya sa kanyang diet. "No rice. Mahilig po ako sa rice, pero kailangang magpapayat pa. Nagpapayat naman po talaga ako, pero siyempre po, kailangan ko pa kasi I can feel it, meron pa. Tapos sacrifice po yung mga sweets, mga malalamig, yung mga hindi po puwede as a singer," saad niya.


Kahit sa February 20 pa ang grand finals ng Star Power, marami nang plano ang finalist na si Krissel Valdez kung sakaling siya ang manalo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang 21-year old "Soulful Diva ng Davao" sa presscon para sa Star Power sa ABS-CBN noong January 14.

Kasama ni Krissel sa presscon ang co-finalists niyang sina Akiko Solon, Monica Sacay, K-La Rivera, at Angeline Quinto.

Sa presscon na ito inilahad ni Krissel ang lahat ng kanyang paggagastusan ng isang milyong piso, ang premyo sakaling siya ang manalo. Nais daw niyang tulungan muna ang kanilang simbahan.

"Yun po kasi ang promise ko kay God, e," saad niya. "Magbibigay po ako ng 10 percent sa chapel dun sa street namin, saka sa simbahan namin."

Susunod naman niyang tutulungan ang kanyang pamilya. "Siyempre po, sa akin po, yung pangangailangan sa buhay. Kasi, sa amin po kasi sa Davao, nagtatrabaho na po ako, 15 years old pa lang ako... Nag-e-earn na po ako ng money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then po yung mga kapatid ko, nag-stop [mag-aral] para mag-work. Kasi, separated na po yung parents ko. Although nagsu-support po yung Papa ko, hindi po yun sapat kasi apat po kaming ginagastusan niya. So kung mananalo po ako dito, marami pong magagawa."

Matutupad na rin daw ang pangarap niyang magkabahay.

"Wala po kasi talaga kaming bahay. Lagi lang po kaming nakikitira. Yun po. Yung Mama ko, nagiging caretaker ng bahay... Alam niyo po yung feeling na, yung lagi na lang lumilipat ng bahay."

IBA NA. Bukod sa posibilidad na matupad ang kanyang mga pangarap, batid ni Krissel na mag-iiba na ang kanyang buhay.

"Iba na po kasi yung nangyayari sa akin ngayon compared po nung dati," kuwento niya. "Dati nga, naglalakad lang ako, nilalait pa ako kasi ang pangit ng damit ko, ganyan-ganyan. E ngayon po, may nakakakilala na po sa akin. Probinsyana po kasi ako. Ngayon po nararamdaman ko yung star-ness. Hindi po ako sikat, nakilala lang po ako kasi nakikita po ako sa TV. Yun lang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama na sa kaibahan ng kanyang buhay ang pagiging malapit kay Sharon Cuneta, na siyang host at mentor sa Star Power. Paliwanag niya, nagagalit raw ang Megastar sa kanila kapag tinatawag siyang Ma'am.

"Nagagalit siya, 'Ma'am tawag mo sa akin? Okay, Yaya Krissel.' Ginaganun ako. 'No, I'm not your Ma'am, I'm your Mama,' Sabi niyang ganun. 'Hindi mo ko Ma'am, hindi kita yaya,' ginaganyan niya kami," sabi ni Krissel.

Hinahangaan daw niya ang aktres sa kabaitan nito.

"On-cam, siya talaga. As in siya talaga. Kung makilala niyo po siya ng lubos, super bait niya. Nakakahawa yung kabaitan niya. Saka super sweet niya, parang, tini-treat niya po kami after the show. Napapabilib po ako sa kanya, kasi wala siyang kiyeme.

"Kahit 4:00 AM na kami natapos o 6:00 AM na kami natapos, gumaganun siya, tumatawa pa rin siya, parang wala talagang problema. Dun pa lang na-i-inspire na po ako. Ginaganun ko, Mama nakakahawa ka talaga, super bait mo," sabi ni Krissel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang tanungin si Krissel Valdez kung ano ang naging sakripisyo niya para sumali sa Star Power, kinuwento niya ang pagbabago na ginawa niya sa kanyang diet. "No rice. Mahilig po ako sa rice, pero kailangang magpapayat pa. Nagpapayat naman po talaga ako, pero siyempre po, kailangan ko pa kasi I can feel it, meron pa. Tapos sacrifice po yung mga sweets, mga malalamig, yung mga hindi po puwede as a singer," saad niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results