PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban reveals that she has already tried whispering her wishes to dead people

The premiere night of "Bulong" will take place on February 1 at SM Megamall.
by Mari-An Santos
Published Jan 24, 2011
"Sa family namin, naniniwala kami sa bulong. Pero more on kapag may sakit ka, at pag may patay, ibubulong mo yun sa patay para kunin na niya yung sakit," says Angelica Panganiban about practising the folk belief called "bulong."

Isang horror-comedy ang unang handog na pelikula ng Star Cinema sa mga manonood sa 2011. Ang Bulong ay pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Angelica Panganiban, kasama si Bangs Garcia. Si Chito Roño ang direktor nito.

PILING PAMAHIIN. Hango sa isang pamahiin ang istorya ng Bulong. "Pamahiin na kapag may mga patay, puwede kang mag-wish, magpabulong, at humiling ka para maibigay yung wish mo ng mga kaluluwa na nandiyan pa sa paligid," paliwanag ni Direk Chito.


"Pero wish na nagkagulo-gulo, may twist doon sa taong kanyang nabulungan."


Matagal nang di gumagawa si Direk ng horror-comedy, paano niya naisipang gawin ito?

"We wanted to do something na hindi outright horror or outright na nakakadiring kasumpa-sumpang pangyayari. But at the same time, nasa edge pa din siya ng supernatural," ani Direk Chito.

Sabi naman ni Vhong, "Di ko alam yung bulong, dito ko lang nalaman, nung sinabi sa kin ni Direk Chito kung ano yung gagawin naming pelikula." .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Paliwanag niya: "Si Direk Chito mahilig sa mga ganyang pamahiin e."


Ang mga nakaraang obra nga ni Direk ay hango sa mga pamahiing Pinoy na Pinoy, tulad ng Feng Shui, Sukob, at T2.


"Tayo lang yata ang may mga ganoon, sa ibang bansa, wala," pahayag ni Vhong.


Ayon kay Angelica, siya man ay naniniwala sa bulong. "Sa family namin, naniniwala kami sa bulong. Pero more on kapag may sakit ka, at pag may patay, ibubulong mo yun sa patay para kunin na niya yung sakit. Para tanggalin na niya sa iyo at isama na niya sa kanya.


"So binubulong ko naman at wala namang masamang nangyayari sa akin so far. Hindi naman ako minumulto ng binulungan ko at gumaganda naman yung pakiramdam ko," sabi niya.


Kuwento ni Direk Chito, "May mga pangangailangan ang tao, aspirations, mga pangarap, mga panaginip na di natutupad. Minsan, gumagawa siya ng desperate move o paghingi ng tulong sa mga bagay na nasa labas ng mundo natin. Humihingi siya sa espiritu ng mga bagong namatay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Dagdag naman ni Angelica: "Nung ginawa [ng karakter ni Vhong] 'yun, doon na nagkagulo ang sitwasyon ng lahat. Nagkaroon ng sumpa yung bulong na ginawa niya."


DIFFERENT APPROACH TO MYSTERY. Minsan nang naging direktor ni Vhong si Direk Chito sa Spirit Warriors, isa ring pelikula kung saan pinagsama ang horror at comedy at swak naman sa panlasa ng mga manonood.


"Kasi nagawa niya nang maganda yung takutin yung tao and at the same time ay patawanin," paliwanag ni Vhong.


Kapwa mga masaya sa kanilang pagsasama-sama sa iisang pelikula ang direktor at mga aktor niya. Nasabi na ni Vhong sa isang interview sa E-Live na nagpapasalamat siya at pumayag si Angelica na mapasali sa pelikula. Gayundin, inamin ng aktres na honored siya na makatrabaho ang dalawa.


"Sobra akong thankful kasi nabibigyan ako ng chance na makatrabaho yung mga direktor na mahuhusay talaga," sabi ni Angelica. "At di ko naman pinapabayaan yung opportunity na binibigay nila sa akin. Ayoko namang mapahiya sila doon sa tiwalang binigay nila sa akin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Pagmamalaki ni Direk Chito, "With Vhong and Angelica, iba ang atake nila sa mga misteryosong pangyayari sa istorya."


FULL OF SPUNK. "Ang maganda sa Bulong, tatakutin na tayo, at the same time, patatawanin pa tayo," sabi ni Vhong.


Paliwanag ni Bangs Garcia, na love interest ng karakter ni Vhong sa pelikula: "Kung horror lang, masyadong mabigat para sa iba, para sa mga matatakutin. Ayan, dinagdagan namin ng comedy, idagdag mo pa si Angelica at saka si Vhong na magaling sa comedy."


"Kakaibang spunk yung horror nito," ani Bangs. "From beginning till end, walang dull moment, kaabang-abang ang bawat eksena."


"Alam naman natin na pag si Direk Chito ang gumawa ng pelikula, talagang tumatabo sa takilya, lalo na kapag horror ang pinag-uusapan," sabi ni Vhong.


Kasama rin sa pelikula sina Teddy Corpuz at Jon Avila.

Premiere night nito sa February 1 sa SM Megamall. Showing na ang Bulong simula sa February 2, 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
movies, Angelica Panganiban
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa family namin, naniniwala kami sa bulong. Pero more on kapag may sakit ka, at pag may patay, ibubulong mo yun sa patay para kunin na niya yung sakit," says Angelica Panganiban about practising the folk belief called "bulong."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results