Limang taon na ang nakakaraan mula nang unang umere ang gag show ng ABS-CBN na Banana Split. Marami na sa cast ang umalis, pumalit, nagbalik.
Marami na rin silang natanggap na awards na nagpapatunay na sila raw nga ang "Ultimate Sabado Habit" ng bansa.
Kaya para magpasalamat sa kanilang mga tagasuporta ay naghandog ng isang masayang anniversary concert ang cast ng Banana Split noong October 24, sa Music Museum, sa Greenhills commercial complex.














