Noong nakaraang September 30 ay nagpunta si Yeng Constantino, ang ambassadress ng Academy of Rock, sa Singapore para i-launch ang Yeng Signature Guitars Limited Edition.
Read: Yeng Constantino launches limited edition guitars in Singapore
See photos here: Yeng Constantino launches her limited edition guitar in Singapore
Kasabay nito ang pagrecord niya ng pinakabago niyang kanta na "Better Than Yesterday." Ito ay isinulat na kinanta niya kasama ang sikat na Singaporean rapper at associate producer na si Sheikh Haikel.
Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay mapalad na magkaroon ng exclusive behind the scene photos ng nasabing recording.
Ngayong araw na ito ay inanunsyo na ng singer ang tungkol sa single na ito kaya naman PEPsters masuwerte kayo at dito niyo unang maririnig at makikita ang exclusive photos.













