Ang konsiyerto ay inihandog ni Martin para sa mga biktima ng Yolanda supertyphoon kung saan hiningi niya sa audience ang isang minutong katahimikan at mataimtim na dasal bago ito nagsimula.
Busog na busog ang audience dahil sa on-the-spot song numbers ng Concert King kasama ang ilang celebrity singers natin na makikita sa mga larawan dito.
Mahigit sa dalawampung kanta ang walang kapaguran na inalay ni Martin sa mga tagahanga niya na sumubaybay sa tatlong dekada niya sa industriya.
























