Para sa panibagong season ng reality show na Face the People, mas pinagtibay pa ng TV5 ang pagtulong sa mga bisita nito sa pamamagitan ng segment na "Konsensya ng Bayan."
Ang Face the People ay naglalayong tugunan o tulungang maresolba ang mga kontrobersyal na isyu ng lipunan.
Ang kuwento ni Sharon na nawalay sa piling ng anak sa loob ng limang taon ang nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng press sa pagbisita ng mga ito sa set ng Face the People.
Mapapanood ang nasabing episode sa March 3, 4:30 p.m. sa TV5.








