Muling magsasama-sama ang mga tinaguriang "Icons of Pinoy Rock" na sina Sampaguita, Lolita Carbon, Joey "Pepe" Smith, Wally Gonzales, at Resty Fabunan para sa isang gabi ng pagra-rock 'n roll sa isang reunion concert na magaganap sa Abril 8, sa Hard Rock Café, Glorietta, Makati City.
Pinamagatang Senyor ROCK: Pinoy Rock Icons Reunion, ibabalik muli ng mga nabanggit na haligi ng Pinoy rock ang saya, angas, at mga makabuluhang mensaheng dulot ng tugtugang nagtaguyod sa kanila bilang mga idolo sa musikang Pilipino, partikular na sa rock genre.
Nagkaroon ng press conference ang concert sa Gerry's Grill sa Quezon City nung Marso 18.



