PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Camille Prats reveals why she is envious of Pauleen Luna

Camille Prats admits feeling envious of stars who are given kontrabida roles.
by Rose Garcia
Published Apr 6, 2014
Camille PratS (in photo) says she is envious of stars who are given kontrabida roles such as Pauleen Luna.
Sa panghapong serye ng GMA-7 na The Borrowed Wife, natuloy na ang kasal nina Camille Prats at TJ Trinidad. Pero ayon sa mga artista, maraming bagong pangyayari ang dapat abangan, kabilang na rito ang pagbabalik ng ibang karakter.
Hanggang huling Linggo pa ng May tatakbo ang teleserye na ito.
Masasabi ba ni Camille Prats na madali para sa kanya ang pagganap bilang Maricar o Sophia sa panghapong serye na ito?
“Actually, sakto lang. It’s challenging in such a way na ang hirap niyang humugot. Pero, hindi niya alam kung saan siya huhugot dahil wala naman siyang memory of her past. Ang meron lang siya kung ano ang nararamdaman niya, pero, hindi rin niya maintindihan.
“Yung role kasi ni Maricar or ni Sophia, in-love siya kay Rico [Rafael Rosell], but she doesn’t understand why. So, hindi niya maintindihan bakit ganoon ang nararamdaman niya. Sa totoong buhay, hindi naman pala yun ang asawa niya, but of course, he doesn’t know that.
“Yung kay Earl [TJ Trinidad], pilit niyang tinutuwid ang relasyon niya rito kasi, yun ang alam niyang tama. Pero, hindi niya alam kung saan siya huhugot ng emosyon kasi, hindi niya alam.”
Simula nang maging artista si Camille noong bata siya, hindi pa siya talaga nakakaganap sa karakter na seryosong kontrabida siya.
Hindi siya open sa kontrabida role?
“Open, open,” saad naman niya.
Mula sa pagiging bida sa Princess Sarah, na-typecast na siyang api-apihan.
“Oo nga, nagkakataon lang din.”
Aminado si Camille na naiinggit din daw siya minsan sa mga ka-eksena niyang artista na kontrabida ang karakter tulad ni Pauleen Luna sa serye nila.
Sabi niya, “Nainggit, pero kasi, kung tutuusin, mas nakakapagod ang ginagawa nila. Mas OA [overacting] ang effort. At saka, mas magnified ang acting. Kasi minsan, kapag pinapanood ko siya, napaka-spontaneous ng acting. Minsan natatawa ko.
“Hindi ko nga alam kung kaya ko bang gumanap ng ganun kasi, masyadong guarded ang galaw ko. Unlike her na free-flowing ang galaw niya. Minsan natatawa na ko. So, feeling ko, mahihirapan ako kung magiging kontrabida ko.
“Baka not spontaneous katulad ng mga sanay ng mga kontrabida. Baka ako, e-effort talaga bago ko ma-achieve yun.”
Kung tatanungin siya, ano pa nga ba ang gusto niyang magawa sa acting career niya bilang parang na-typecast na siya sa mga inaaping role?
“Hindi ko rin alam, e,” natawang sagot niya.
“Ako naman kasi, kung ano ang gustong ibigay sa akin, tatanggapin ko. Ang pinaka-challenging na nagawa ko siguro ay yung sa Third Eye kasi, killer naman siya na pumapatay. Hindi ko nga alam ang exact feeling ng killer.
“Nahirapan talaga ko na gawin siya. So, siguro, kung masasanay, gusto ko rin gumawa ng ganoon na very light. Yung medyo masama.”


Ang Third Eye ay ang 2014 horror-thriller na pinagbidahan ni Carla Abellana, Ejay Falcon, at Camille.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille PratS (in photo) says she is envious of stars who are given kontrabida roles such as Pauleen Luna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results