PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin and Kim Chiu grace Ikaw Lamang official soundtrack launch

Erik Santos, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, and KZ Tandingan also graced the album launch at Trinoma.
by Glen Sibonga
Published Apr 16, 2014

Dinumog, pinagyayakap, pinaghahalikan at pinagkaguluhan ng mga tao ang mga bida ng Ikaw Lamang na sina Coco Martin, Kim Chiu, Julia Montes, at Jake Cuenca kamakailan sa Trinoma Activity Center. Dito ginanap ang album launch ng Ikaw Lamang Official Soundtrack. Pinasaya at pinakilig ng mga ABS-CBN stars ang mga fans at supporters nilang pumunta sa event.

Sold out ang albums na ibinenta sa event kaya’t hindi kagulat-gulat na punong-puno ng mga tao ang Activity Center. Yung iba ngang hindi nakapasok ay nakuntento na lang sa panonood sa bawat floor ng mall. Masaya rin silang kumakaway at tumitili dahil in-acknowledge naman sila ng Ikaw Lamang lead stars.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, tampok sa Ikaw Lamang Official Soundtrack ang mga theme songs ng naturang primetime teleserye na tungkol sa mga karakter nina Samuel (Coco), Isabelle (Kim), Mona (Julia) at Franco (Jake).

Bukod sa lead stars, nagbigay din ng kasiyahan sa audience ang mga singer na kasama sa soundtrack album na sina Erik Santos with the song "Panaginip," Angeline Quinto with "Somewhere," Jovit Baldivino with "Pangako" at Marion Aunor with "Pers Lab."

Wala ang singer ng main theme song na si Gary Valenciano, kaya’t si Erik na rin ang kumanta ng "Ikaw Lamang." Bahagi rin ng track list ang "Sa Aking Pag-iisa" ni Juris at ang version ni KZ Tandingan ng "Somewhere."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COCO & KIM. Saglit na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sina Coco at Kim pagkatapos ng event at inihayag nga nila ang kanilang kasiyahan sa matagumpay na album launch.

Sabi ni Kim, “Sobrang happy and thankful. First time namin ni Coco na mag-mall show together. Masaya naman kami sa naging outcome.”

Ayon naman kay Coco, “Actually, ninenerbiyos ako kanina kasi siyempre hindi namin alam kung ano yung expectation ng mga tao sa amin. Pero nakakatuwa dahil alam mo yung suportang ibinigay talaga nila sa amin sa soap opera at sa aming dalawa ni Kim. Maraming salamat.”

Magbi-birthday na si Kim sa April 19, kaya natanong siya ng kanyang wish.

Sagot ni Kim, “Wish ko? Sana nandiyan pa rin yung mga taong sumusuporta sa akin and ituloy-tuloy lang nila yung pagmamahal nila sa akin. Masaya na ako doon.”

Hiningan din ng wish si Coco para sa kanyang leading lady. Ayon sa Kapamilya actor, “Siyempre mas lalo pang maging successful at saka yung health niya sana laging maayos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman ang mga plano nila ngayong Semana Santa?

Sabi ni Coco, “Honestly, ako wala. Sa bahay lang.”

Magiging busy naman daw si Kim sa ibang bansa. Aniya, “Ako may show ako sa U.S., so yun.”

Sino ang makakasama niya rito? “Maraming mga boys [from Star Magic], ako lang yung babae. Pero okay lang.”

Ano pa ba ang dapat abangan sa Ikaw Lamang?

Ani Coco, “Sabi nga namin painit nang painit ang kuwento kaya sana po suportahan pa po nila. At maraming-maraming salamat po talaga sa mga sumusuporta sa lahat ng soap opera ng ABS-CBN.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results