PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hiro Peralta happy to be part of GMA-7's new comedy show, BFF

Hiro Peralta will join Manilyn Reynes at Janno Gibbs in GMA-7's upcoming comedy show BFF.
by John Fontanilla
Published Apr 19, 2014
Hiro Peralta reaffirms his trust in his home network: “Alam ko naman na may plano sa akin ang GMA, dahil hindi naman nila iri-renew yung kontrata ko for another three years kung wala silang plano." Hiro wille part of the new Kapuso comedy show BFF and the indie film Sitio Camcam.

Pagkatapos ng kanyang pagganap sa Anna KareNina na matagal-tagal na ring nagwakas ay balik-trabaho na muli si Hiro Peralta via GMA-7’s newest comedy serye na BFF. Pinagbibidahan ito ng dating magka-loveteam na sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs.

Kuwento ni Hiro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last April 12 sa press presentation ng Mr. and Ms. Olive-C Campus Model Search 2014 Luzon finalists na ginanap sa Fisher Mall, Quezon City, “Sa wakas, sa tagal ng paghihintay, nabigyan ako ulit ng bagong project ng GMA-7!

“Medyo matagal-tagal na rin naman kasing natapos yung Anna KareNina at pagkatapos nun hindi kaagad nasundan.

“Pero ako naman hindi ako nawawalan ng pag-asa at willing to wait na mabigyan nila ng new show at 'eto nga, may bago na naman akong trabaho—ang BFF kasama sina Ms. Manilyn Reynes at Mr. Janno Gibbs at marami pang iba.

“Mabuti na nga lang may mga TV guestings ako at mga show sa labas, kaya habang nag-aantay ako ng new show may ginagawa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bukod sa regular akong napapanood once a week sa Walang Tulugan with the Master Showman bilang isa sa teen host ni Tatay Germs [German Moreno].

“Alam ko naman na may plano sa akin ang GMA, dahil hindi naman nila iri-renew yung kontrata ko for another three years kung wala silang plano.



NEW MOVIE. Masaya rin si Hiro dahil naging busy siya sa paggawa ng bago niyang pelikula.

Patuloy niya, “May bago din akong pelikula, yung Sitio Camcam kasama sina Ms. Sunshine Dizon, Allen Dizon, Jackie Rice, Joyce Ching at marami pang iba sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan.

“Kahit nga second time ko na itong makakatrabaho si Direk Joel, kinakabahan pa rin ako sa kanya.

“Alam ko kasi kung gaano siya kaistrikto at professional pagdating sa trabaho.

“Kaya naman bago ako pumunta ng set mini-memorize ko na yung linya ko para ready na ako 'pag nandun na.

“Masuwerte nga ako kasi nakatrabaho ko na naman siya, alam kong marami akong matututuhan sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIRST AWARD. Hindi rin inaasahan ni Hiro ang pagkapanalo niya ng award sa nakaraang Dangal ng Bayan 1st Teen Choice Awards.

“Very thankful ako kasi isa ako sa napili nilang bigyan ng award, Most Promising TV Teen Actor.

“Bale first award ko yun mula noong pumasok ako sa showbiz, kaya malaking bagay sa akin yun.

“Ilang beses na rin naman akong na-nominate sa mga award-giving bodies pero hindi masuwerteng nanalo.

“Pero nagiging inspirasyon ko yun para galingan pa ang pag-arte ko, kasi inisip ko na ma-nominate ka lang parang nanalo ka na, masuwerte na lang 'pag nanalo ka.

“Hindi naman kasi lahat puwede manalo ng award or nabibigyan ng award, kaya naman malaking blessing sa akin ang pagkakapili para sa Teen Choice Award.

“Ito yung magiging baon ko pagtanda ko na kahit papaano nabigyan ako ng award nung panahong nag-aartista ako.

“At puwede kong ikuwento ito sa mga magiging anak ko in the future,” pagpapasalamat ng Kapuso teen star.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOLY WEEK ACTIVITIES. Kinumusta naman namin kay Hiro kung ano ang mga ginawa niya nitong Semana Santa.

Ayon kay Hiro, “Pag Holy Week nasa bahay lang kami, although nagbi-Visita Iglesia kami kasama ng family.

“Simula noong bata pa ako, nakalakihan ko na yung nagbi-Visita Iglesia, kaya kahit ngayong malaki na ako, naging practice na namin yun, na kapag Mahal na Araw magkakasama kaming lumilibot ng iba’t ibang simbahan.

“Sumasali din ako sa pabasa sa amin, pinapakinggan ko yung mga kanta nila.

“'Tapos yun nga, most of the time nasa bahay lang kami during Holy Week.

“After Holy Week nagkakaroon kami ng swimming ng buong angkan namin, parang reunion na rin.

“Taun-taon ganun yung ginawa namin, malaking pamilya kasi kami. 'Pag may okasyon lahat kami present.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hiro Peralta reaffirms his trust in his home network: “Alam ko naman na may plano sa akin ang GMA, dahil hindi naman nila iri-renew yung kontrata ko for another three years kung wala silang plano." Hiro wille part of the new Kapuso comedy show BFF and the indie film Sitio Camcam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results