Paano haharapin ng isang 25-year-old na ina—na may
pagkukulang sa pag-iisip—ang katalinuhan ng lumalaki niyang anak?
Dito sumesentro ang kuwento ng upcoming primetime series ng GMA-7, ang Little Nanay.
Noong November 10, ipinakilala na sa media ang mga karakter na bubuo sa kuwento ng Little Nanay na mapapanood na sa GMA Telebabad simula November 16, pagkatapos ng Marimar.
Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao.




















