PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gaby dela Merced, Mcoy Fundales, and Zara Aldana join PBB Celebrity Edition 2

The Racing Goddess, The Musikerong Daddy, and The Controversial Beauty Queen are introduced to the public.
by Jocelyn Dimaculangan
Published Oct 17, 2007
(L-R) Gaby dela Merced, Mcoy Fundales, and Zara Aldana are dubbed as the The Racing Goddess, The Musikerong Daddy, and The Controversial Beauty Queen, respectively. They are the new housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

Nakita na ng publiko noong Linggo, October 14, ang mga susubaybayan nilang mga housemates sa darating na 70 araw sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Ito ay ang mga modelo na sina Will Devaughn at Victor Basa, ang aktres at Star Magic talent na si Megan Young, 26K girls Marylaine Viernes at Jen da Silva, Geisler brothers Baron and Donald, actress-mom Yayo Aguila, Ms. Earth-Canada Riza Santos, at ang komedyante mula sa Davao na si Ruben Gonzaga.

Isa-isang pumasok ang mga bagong housemates ng PBBCE 2, may kanya-kanyang mga gimik. Si Gaby dela Merced ay sumakay muna ng helicopter mula sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, kasama si Bianca Gonzalez. Lumipat si Gaby sa isang white limousine na naghatid sa kanya sa PBB house. Kakaiba rin ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya dahil sumakay siya sa isang scooter, na dumiretso pala sa swimming pool sa activity area.

Ang extreme sports lover na ito ay dubbed as "The Racing Goddess." Ang 25-year-old na ito ang kaisa-isang Filipina na nakatapos ng full season sa Asian Formula 3 Series. Siya pa ang naging first runner-up sa Philippine Formula 3 National Championship. Isa siya sa mga awardees ng Marie Claire magazine's Women of the World noong 2006. At ngayong taon, naging FHM February 2007 cover girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumama rin sa mga celebrity housemates sina Mcoy Fundales, ang vocalist ng Orange & Lemons, at "former" beauty queen Zara Aldana (a.k.a. Zephora Mayon).


Pinalabas sa Uber ang live nilang pagpasok kahapon, October 16. Kagaya ni Gaby dela Merced noong Lunes, dumating na naka-chopper at limousine ang dalawa.



Unang hinatid ni Uber host Mariel Rodriguez ang tinaguriang "Musikerong Daddy" sa confession room, kung saan kinanta nito ang "Pinoy Ako," ang theme song ng Pinoy Big Brother. Pinarinig ni Kuya sa mga housemates ang awit, kaya excited na hinalughog nila ang buong bahay para hanapin ang bokalista. Feel kasi agad nilang nasa tabi-tabi lang ito. Tuwang-tuwa sila nang magpakita si Mcoy sa wakas.



Bagay na bagay si Mcoy na maging housemate dahil, ayon na rin sa kanya, dapat lang na makilala ng madla ang nagmamay-ari ng "voice behind the song" na kinanta at sinayawan ng bawat Pinoy sa buong mundo mula pa noong PBB Season 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Iba naman ang gimik sa entrance ni Zara, na ipinakilalang "The Controversial Beauty Queen." Ang dating Mutya na Pilipinas-Asia Pacific 2007, na gumawa ng ingay noong iniwan ang korona, ay pumasok sa Big Brother house na may dalang mga sash. Isa-isa niyang isinabit ito sa mga dinatnang housemates.

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa pamamagitan ng Uber na pinapalabas tuwing 5:30 p.m. at ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 primetime edition na pinapalabas ng 10 p.m. gabi-gabi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Gaby dela Merced, Mcoy Fundales, and Zara Aldana are dubbed as the The Racing Goddess, The Musikerong Daddy, and The Controversial Beauty Queen, respectively. They are the new housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results