Pagkatapos
ng tagumpay ng teleseryeng Niño, muling nabigyan ng major project si Miguel
Tanfelix.
Siya ang bida sa upcoming GMA-7 primetime teleserye Once
Upon A Kiss.
Sa nasabing soap opera ay magsasama sila uli ng kanyang leading lady na si Bianca Umali.
Sa isang major press conference noong December 19, Biyernes, ipinakilala sa entertainment press ang mga artistang kabilang sa Kapuso teleserye na magsisimula sa January 5, 2015.
















