Hindi maitago ang saya ng TV5 stars na sina Shaira Mae, Nicole Estrada, at Mark Neumann na bahagi sila ng cast ng Wattpad Presents: The Magic In You.
Halos 98 percent kasi ng TV5 weekly show na ito ay kasalukuyang tini-tape sa Hong Kong Disneyland.
Nai-dokumento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang mga kaganapan sa taping ng show sa Disneyland nitong nakaraang Sabado, March 21, sa ikalawang araw nila sa world-class theme park.









