PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Quan will be part of GMA-7's upcoming series titled Legacy

Richard Quan and Precious Lara Quigaman will topbill Net 25's drama series, Five Girls and a Dad
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 28, 2011

Maganda ang tinakbo ng taong 2011 para sa character actor na si Richard Quan. Sa taong ito ay nakasama siya sa tatlong drama series sa GMA-7, namely My Lover... My Wife kunsaan gumanap siyang imbestigador ng isang krimen; Futbolilits kunsaan nagpanggap niyang ama ng bidang si Julian Trono; at Iglot na gumanap siyang kidnapper ng batang si Milkah Nacion.

Sa bakuran naman ng ABS-CBN ay ginawa niya ang Imortal bilang isa sa mga bampira; at Mara Clara bilang si Nanding.

Ngayong 2012 ay kasama rin siya sa cast ng bagong GMA-7 primetime series na Legacy.

Pero ang pinakamalaking break nga na matagal nang hinihintay ni Richard ay ang maging bida siya sa kauna-unahang drama series ng Net 25 titled Five Girls and a Dad.

Gaganap nga bilang isang biyudo rito si Richard at ang mga gaganap niyang mga anak ay sila Dixie Nedic, Khate Nizedel, Abby Quilnat, Francheska Salcedo at Kiane Palmes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa cast sila Leo Martinez at Precious Lara Quigaman. Mula ito sa panulat ni Lualhati Bautista at direksyon naman ni Elson Montalbo. Sa January 2012 na ito ipalalabas.

Happy si Richard dahil nabigyan siya ng pagkakataon ng Net 25 na magbida sa isang drama series after nga ng ilang taon na support lang siya. "Masaya ako kasi ito ang break na matagal na nating hinihintay," ngiti niya.

"Noong nabasa ko ang script, nagandahan ako. Siyempre, no less than Lualhati Bautista ang nagsulat. Maganda ang flow ng story at maraming makukuhang life lessons sa bawat episode na gawin namin.

"May malungkot at may nakakatawang mga tagpo. Iba-iba ang emotions na makukuha mo sa pagpanood ng Five Girls and a Dad. Maraming mga bata at mga magulang nila ang makaka-relate dito."

Bukod sa TV show na ito ay may gagawin na Cinemalaya entry si Richard titled Pot-Pot na ididirek ni Rey An Dulay. May short film din siyang ginawa titled Alibi na mula naman sa direksyon ni Perry Escano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa 37th edition ng Metro Manila Film Festival ay may cameo role si Richard sa episode na "Parola" ng Shake, Rattle & Roll 13. Tuloy din ang ilang charity works ni Richard na every year niyang ginagawa sa pamamagitan ng kanyang foundation. Ngayon ay tumutulong siya para makalikom ng maraming donasyon para sa mga naging biktima ng Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results