1.Pagkatapos ng ilang taong pamamahinga sa telebisyon, muling magbabalik ang tanyag na karakter na si Lola Basyang via TV5's LolaBasyang.com. This time, tech-savvy na si Lola Basyang at kilala bilang si Lola B.
Gagampanan ni Ms. Boots Anson-Roa ang storyteller na si Lola B.
Ang unang episode na Maryang Makiling (starring Jasmine Curtis-Smith, Carlos Agassi, at Rodjun Cruz) ay mapapanood sa July
11 at 7 p.m. sa TV5.
Pamamahalaan ang production ng IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan—na
siya ring director sa unang tatlong episodes—at Direk Jun Lana.





