Malayu-layo na ang narating ng #Hashtags magmula ng i-launch sila sa It’s Showtime bilang kilig ambassadors all-boys group. Bukod sa kanilang Roadtrip album ay nasundan ito ng kanilang kauna-unahang concert na ginanap sa KIA Theater, Araneta Center Cubao noong September 24, 2016.
Ang Hashtags ay binubuo nina Jameson Blake, Nikko Natividad, Jimboy Martin, Mccoy De Leon, Luke Conde, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Ryle Paolo Tan, Paulo Angeles, Jon Lucas, at Tom Doromal.







































