PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin, Neil Arce postpone November 2020 wedding

Angel Locsin: "I think best decision namin na i-move na lang yung wedding."
by Arniel C. Serato
Published Sep 24, 2020
Angel Locsin on fiancé Neil Arce: “Actually, mas bridezilla siya. Ako kasi, 'Yes or no' lang. 'Okay o hindi.' Ganun lang ako. Pero nahanap na niya yun lahat. Iye-yes or no ko na lang sa kanya. Ganun siya."
PHOTO/S: Courtesy: @neil_arce on Instagram

“Early next year” na magaganap ang inaabangang kasal ng aktres na si Angel Locsin at ng film producer na si Neil Arce.

Dapat sana ay sa November 2020 gaganapin ang pag-iisang dibdib ng dalawa, pero kinailangan itong ipagpaliban sa ibang petsa dahil sa pandemya.

“It's going to be moved to early next year.

"But, of course, it depends on the situation with the pandemic," sabi ni Neil sa panayam sa kaniya ng Metro.Style at napaulat sa ABS-CBN News.

Sa halip na isang engrandeng pagtitipon, baka gawin na lang daw nila itong intimate wedding para masunod na rin ang minimum health protocols dahil sa COVID-19.

Pero nakadepende pa rin daw sa sitwasyon ang magiging selebrasyon nila.

Saad ni Neil, “We were thinking, 'Should we do it small?' But that's not us, e. We're friends, we have a group of friends.

"We want everyone to be there. We want everyone to have fun. And you know, Angel didn't attend their prom. She didn't have a debut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So this is the only big party she's going to have."

NEIL MORE HANDS-ON THan angel

Aminado naman si Angel na ang kanyang fiancé ang mas nakatutok sa kanilang nalalapit na kasal.

Birong kuwento pa ng 35-year-old actress, “Actually, mas bridezilla siya. Ako kasi, 'Yes or no' lang. 'Okay o hindi.' Ganun lang ako.

"Pero nahanap na niya yun lahat. Iye-yes or no ko na lang sa kanya. Ganun siya."

Dahil sa COVID-19 pandemic, kinailangan nilang baguhin ang mga plano para sa kanilang kasal.

Ayon kay Angel, “Kailangan naming ulitin yung planning. Tapos na dapat siya, e.

"Better na safe ang lahat at confident na walang sakit, so I think best decision namin na i-move na lang yung wedding."

Taong 2010 nagkakilala ang dalawa.

February 2018 inamin ni Angel na officially together na sila ni Neil.

June 2019 na-engage ang magsing-irog.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on fiancé Neil Arce: “Actually, mas bridezilla siya. Ako kasi, 'Yes or no' lang. 'Okay o hindi.' Ganun lang ako. Pero nahanap na niya yun lahat. Iye-yes or no ko na lang sa kanya. Ganun siya."
PHOTO/S: Courtesy: @neil_arce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results