Naging usap-usapan sa social media ang pagsagot ni Anne Curtis sa isang netizen na hindi nagustuhan ang trailer ng pelikula nila ni Jericho Rosales na The Loved One.
Ipinost ni Anne sa kanyang X account ang trailer noong January 19, 2026.
Sa comments section, pinuna ng isang netizen ang trailer: "kakairita, english english ang mga dialogue..."
Hindi pinalampas ni Anne ang komento at sinagot niya ito ng "Di wag kang manood."
Read: Claudine Barretto accuses personal assistant of kidnapping

May mga netizen na pumuna rin sa anila'y "pagtataray" at "pagpatol" ni Anne sa netizen.
Mukhang wala raw sa mood si Anne, at nanaig ang kanyang "intrusive thoughts."
May mga nagtanggol din kay Anne at sinabing hindi naman daw below-the-belt ang komento ni Anne para gawing big deal.
ANNE CURTIS CLAIMS IT WASN'T MEANT AS "PATARAY"
Sinagot ni Anne ang isyu sa mediacon ng The Loved One noong January 24, Sabado, sa Main Atrium ng Robinson’s Place Manila.
May nagtanong kung maganda ang pelikula, at pabirong humirit si Jericho na maganda ang pelikula nila dahil nag-i-English sila roon.
Sabay hirit din ni Anne, "Oo, medyo Taglish siya dito, medyo English-English, kaya kung ayaw niyo, e, di huwag kayong manood!”
Nagsigawan ang mga tao na nasa venue na halatang aware sa isyu.
Saka nagbigay ng paliwanag si Anne.
Sabi niya: "Alam niyo, honestly, that wasn’t meant to blow up how it did.
"Parang kunwari si Vice [Ganda], kunwari si Vice yung kausap ko at sinabi niya, ‘Ano ba yang movie niyo, puro English!’
"Ganun ko din naman siya sasagutin, ‘Huwag kang manood!’
"Ganun lang yun. It wasn’t meant to be, like, a pataray.
"Parang ganun lang, ‘E, di huwag kang manood!’ Ganun lang yun.”
Read: Anne leaves Australia "with a heavy heart" after dad's death
ANNE CURTIS ON HEADLINING A LOVE STORY
Ang The Loved One ay iprinodyus ng Viva Films at Cornerstone Studios.
Kasama sa pelikula sina Catriona Gray, Luis Alandy, Ian Pangilinan, at Max Eigenmann. Ang direktor ay si Irene Emma Villamor.
Mapapanood na sa mga sinehan ang The Loved One simula February 11.
Tema ng pelikula ang dynamics sa pagitan ng couple na nagmamahalan.
Sa tunay na buhay, si Anne daw ay parehong minamahal at nagmamal.
“I’m gonna say, siguro a little bit of both because, one, it takes a lot to love a crazy Aquarius like myself!
"So if you end up loving someone like me, it shows that you really love me, so I’m the loved one.
"But when that happens, I give so much love, hence I become the lover."
ANNE CURTIS ON WORKING WITH IRENE VILLAMOR, JERICHO ROSALES
Gusto raw talaga ni Anne na gumawa ng pelikula na love story ang tema.
"You know, working with Direk Irene, we get each other’s craziness.
"And it was, like, one random night I messaged her, and I told her, like, 'You know, I’m looking for something a little bit more mature when it comes to telling a story about where love can meet you.'
"And she said, 'You know what, I have a script, ready na siya, may catch lang siya.' 'Sabi ko, ‘Ano yung catch?’
"Sabi niya, 'May leading man na.' Sabi ko, ‘Sino yung leading man?’ Sabi niya, 'Si Jericho."
Dati nang nagkatambal sina Jericho at Anne para sa pelikulang Baler (2008).
"And you know, working with Jericho has always been so easy.
"And you know, so we reconnected, so we reconnected again and then a year after we started filming," sabi ni Anne.
Read: Nic Chien describes how mom Lea Salonga supports his transition
