Ara Mina admits she has introduced Dave Almarinez to her family

by Rachelle Siazon
Jan 12, 2021
In an interview on Magandang Buhay, Ara Mina avoids naming Dave Almarinez as the guy that she is consistently dating for the past two years. She simply describes him as someone she is compatible with.
PHOTO/S: @therealaramina / @davealmarinez Instagram

Inihayag ni Ara Mina, 41, na exclusively dating sila ng isang non-showbiz guy na businessman.

"Wala akong idine-date na iba. Siya lang," pag-amin ni Ara.

Maliban sa "trading" ang negosyo ng lalaking nakaka-date niya, tumanggi si Ara na pangalanan pa ito.

Paliwanag ni Ara, "Non-showbiz kasi. 'Tsaka maganda na rin yung tahimik, di ba? Para maiba naman.

"Parang buong buhay ko sa showbiz, pinag-usapan love life ko. Hayaan mo na andiyan lang."

Nakapanayam si Ara sa January 12 episode ng Magandang Buhay, ang ABS-CBN morning talk show na ang hosts ay sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

CONFIRMED blooming ROMANCE WITH DAVE ALMARINEZ

Ayaw man pangalanan ni Ara ang kanyang mystery guy, una na niyang inamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nasa "dating stage" sila ni Philippine International Trading Corporation Undersecretary Dave Almarinez.

Si Dave, 45, ay tubong Laguna at dating provincial board member ng lugar.

Noong November 2020, ibinahagi niya sa PEP.ph na dalawang taon na silang magkakilala ni Dave, pero makailang-beses pa lang daw silang nag-date.

Continue reading below ↓

Noong September 2020, naiulat sa PEP.ph ang pag-post nina Ara at Dave ng kanilang pagkikita sa isang restaurant sa Lipa, Batangas.

May kasama rin silang dalawang kaibigan.

Via Instagram Story ipinost nina Ara at Dave ang litrato kaya hindi na ito makikita sa Instagram feed nila.

Sinasabing napadpad sa Batangas sina Ara at Dave dahil doon ang on-location taping ng FPJ's Ang Pobinsyano.

Noong October 2020, napabalitang namataan din ang dalawa na nagsimba sa isang Catholic church sa Laguna.

ARA ON INTRODUCING dave TO HER FAMILY

Lumalabas na naipakilala na ni Ara si Dave sa kanyang pamilya.

Hindi man pinangalanan si Dave sa Magandang Buhay, binanggit ni Ara sa TV interview na kilala ng kanyang mga magulang ang lalaking nakaka-date niya.

"Kasi one time, birthday ba yun ng kapatid ko? Ini-invite ko naman siya. Napakilala ko na rin sa mga kapatid ko, sa parents ko."

Pati ang six-year-old daughter ni Ara na si Mandy ay kilala na rin ang non-showbiz guy na malapit sa aktres.

Continue reading below ↓

Si Mandy ay anak ni Ara sa ex-boyfriend na si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Napansin daw ni Ara na medyo nagseselos si Mandy kapag nakikita ang amang si Patrick na may kausap na babae sa telepono.

Kaya sa kaso raw ni Ara, "nakikiramdam" pa siya kung ano ang reaksiyon ni Mandy sa businessman na dine-date niya.

"Baka natatakot siguro siya na maagaw atensiyon ko sa kanya, mapunta sa iba."

WHAT ARA LIKES ABOUT DAVE

Inilarawan ni Ara na chill lang ang relasyon nila ng businessman na idine-date niya.

Pahayag ni Ara: "Basta nasa stage kami na nagkakaintindihan naman kami.

"Sa age namin ngayon, parang hindi na yung ligawan blues.

"Basta pag sinabi kong ready na ako, committed na talaga ako."

Nagkasundo raw sila dahil pareho silang dedicated sa kani-kanilang trabaho.

Hindi raw umaangal ang lalaki kahit pa hands-on si Ara sa pag-aasikaso ng kanyang pag-aaring restaurant at iba pang negosyo.

Continue reading below ↓

Cast member din si Ara sa FPJ's Ang Probinsyano, ang ABS-CBN prime-time series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Patuloy ni Ara ukol sa kanyang love life, "Alam niya kasing priority ko ay yung business.

"Siya rin naman busy kaya naintindihan niya. That's what I like about him, workaholic siya like me."

Consistent daw ang panunuyo sa kanya ng lalaking idine-date niya, hindi tulad ng iba niyang manliligaw na "nawawala na parang bula" kapag nakitang masyado siyang tutok sa trabaho.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an interview on Magandang Buhay, Ara Mina avoids naming Dave Almarinez as the guy that she is consistently dating for the past two years. She simply describes him as someone she is compatible with.
PHOTO/S: @therealaramina / @davealmarinez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results