Spotted sa isang restaurant sa Lipa City, Batangas, noong weekend si Ara Mina at ang kanyang rumored boyfriend na si Philippine International Trading Corporation Undersecretary Dave Almarinez.
Ni-repost ni Dave sa Instagram Stories nito ang pagbisita nila ni Ara, kasama ang dalawang kaibigan, sa Lipa restaurant.
Isa itong indikasyong hindi na inililihim ng government official ang relasyon nila ng aktres.

Ara Mina (in all black) and Dave Almarinez (extreme right) with two friends in a Lipa restaurant
Reportedly, napadpad sina Dave at Ara sa Lipa City dahil dito ang location taping ng Ang Probinsyano, kung saan special guest ang aktres.
Madalas ding nakikita ang dalawa na magkasama sa Laguna, ang home province ni Dave. Dating board member ng lalawigan ng Laguna si Dave.
Ayon sa mga eyewitness, wala nang rason para ilihim nina Ara at Dave ang kanilang relasyon dahil matagal na silang hiwalay sa mga respective partner nila.
Si Ara ang pinagbintangang third party sa paghihiwalay noong May 2018 ni Dave at ng fiancée nito, ang former member ng Cinema Evaluation Board na si Rina Navarro.
May isang anak sina Dave at Rina. Nakatakda sanang magpakasal ang dalawa pero hindi natuloy dahil nalaman ni Rina ang infidelity ng kanyang fiancé.
Magkaibigan sina Ara at Rina, pero nagkaroon ng lamat ang kanilang magandang relasyon dahil kay Dave.
Sa guesting ni Ara sa late-night talk show ni Boy Abunda sa ABS-CBN noong July 6, 2018, tumanggi siyang sagutin ang isyu tungkol sa love triangle nila nina Dave at Rina.
"Actually, I don’t want to comment about that, Tito Boy. I don’t owe the public an explanation.
"Kung ‘yon ang side ng isang tao, just be it. Ang choice ko manahimik kasi wala akong dapat i-explain, " pahayag ni Ara.
Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rina noong June 2018, sinabi nitong umamin sa kanya si Ara tungkol sa lihim na relasyon nila ni Dave.
"Well, closed door, yes, she admitted," rebelasyon noon ni Rina.
"'Sorry na nalaman mo, I was gonna reveal.' Ganun. Ganun talaga yun. 'Wrong timing lang.' Iyon,” ang diumano’y paghingi sa kanya ni Ara ng paumanhin.
Ito naman ang naging mensahe niya noon para kay Ara: "I hope masaya ka sa nagawa mo.
"I'm sorry that this is coming out, but you know, the truth is out there.
"If you’re denying it, so be it. I don’t want to judge you, but you know the truth."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.