PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela clarifies viral post on Facebook not hers

Awra: "I don’t have any official Facebook page that’s personally handled by me."
by Arniel C. Serato
Published Jul 15, 2025
Awra Briguela disowns Facebook account with 1 million followers
Awra Briguela focuses on positivity after graduating from senior high: "I just want to focus on the good side where people are showering me with love and sweet messages, especially in this special moment."
PHOTO/S: Instagram

Binigyang-linaw ni Awra Briguela ang pinagpasa-pasahang viral posts sa Facebook tungkol sa pagtawag sa kanya ng isang content creator na "bro" imbes na pronoun niyang "her."

Sa direct message na ipinadala ni Awra sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon ng Martes, July 15, 2025, pinabulaanan ni Awra na siya ang nagmamay-ari ng Facebook page na may pangalan niya at mayroong 1.1 million followers.Awra Briguela distances from this Facebook account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Awra, "I just want to clarify that I don’t own that Facebook page, and I don’t have any official Facebook page that’s personally handled by me."

Sa nasabing post, may nakalagay na "admin" sa dulo nito na nagpapahiwatig na hindi siya mismo ang nakikipagsagutan sa content creator na si Sir Jack Argota.

Pero ayon kay Awra, hindi sa kanya galing ang mga nasabing post dahil umiiwas na raw siya sa negativity.

Aniya, "Lastly, I didn’t say anything about Jack’s post because I don’t want to get affected by his negative energy."

Mas pinagtutuunan na raw ng pansin ni Awra ang mga positibong nangyayari sa buhay niya, lalo na ang kanyang pagtatapos ng senior high sa University of the East, Manila.

Pagtatapos ni Awra, "I just want to focus on the good side where people are showering me with love and sweet messages, especially in this special moment."

Read: Sneezy McDonald on Lolit Solis: "She is not a good mom…"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

AWRA DEDICATES FEAT TO HER FAMILY

Sa bagong post ni Awra sa Instagram, inihandog niya ang kanyang pagtatapos sa pamilya niya.

Saad niya, "Sa likod ng bawat tagumpay ko, nandiyan kayo laging nakaalalay at sumusuporta. Salamat sa lahat. Mahal na mahal ko kayo. Para sa inyo ‘to."

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Sa post niya kahapon, July 14, sinabi ni Awra na ang kanyang mga pagkakamali noon ay hindi magiging hadlang para magpursigi sa pag-aaral.

Aniya: "Alam kong hindi ako perpekto. Nagkakamali rin ako. Pero hindi ko hahayaang ang mga pagkakamali ko ang magpakilala kung sino ako.

"Hangga't may pagkakataong bumangon, babangon ako at pipiling itama ang mali.

"Malayo pa ang lalakbayin ko sa kolehiyo, pero mabilis lang ang panahon. Nangangako ako, sa sarili ko at sa mga taong naniniwala sa akin, na lalo ko pang paghuhusayan ang pag-aaral.

"Ang dating mindset na 'okay na basta makapasa,' hindi na pwede ngayon. Sipag at tiwala sa sarili lang ulit at alam kong magagawa ko ulit 'to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Awra Briguela graduates from senior high school

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela focuses on positivity after graduating from senior high: "I just want to focus on the good side where people are showering me with love and sweet messages, especially in this special moment."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results