PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari asked to choose between BB and Rustom Padilla: “Pwedeng both?”

BB Gandanghari says Rustom Padilla is part of who she is.
by Bernie V. Franco
Published Apr 25, 2020
bb gandanghari makeup
rustom padilla topless
BB Gandanghari (left) talks about her previous identity, Rustom Padilla. “As I’ve said, it will not be the same BB had it not been for Rustom." In 2001, Rustom announced that he was gay. Come 2009, Rustom announced her transition to BB Gandanghari, a trans woman.
PHOTO/S: BB Gandanghari YouTube, Internet

“I wouldn’t exchange it for anything.”

Pahayag ito ni BB Gandanghari, 52, nang matanong kung may gusto siyang baguhin sa kanyang nakaraan.

Bago ang kanyang transition bilang BB, na transgender woman, nakilala siya bilang si Rustom Padilla, isang matinee idol na sumikat noong '90s.

Sa ginawa niyang Instagram Live ngayong umaga ng Sabado, April 25, nagbato ng mga tanong ang netizens.

Sa kasalukuyan, sa Los Angeles, California sa Amerika naninirahan si BB.

Tanong ng isang netizen, kung mabibigyan ng pagkakataon na ipanganak uli, sino ang pipiliin niya—si Rustom o si BB?

“Pwede bang dalawa?” sagot ni BB.

Rustom Padilla action 
Rustom padilla action star

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THREE LIVES

Katwiran ni BB, nagpapasalamat siya na naranasan niyang mabuhay na isang lalaki at isang gay man bago siya naging trans woman noong 2016.

“This I always say, how can I say I want a different past when, in fact, even in the age that I transitioned, I’m very thankful kasi hindi ako nag-transition earlier."

Nang i-announce niyang nag-transition na siya bilang si BB Gandanghari, siya ay 49-anyos na.

“Kasi I had a chance to live as a man and then after as a man, I lived as a gay man.

“Nakatatlong buhay na ako.

“This soul talking to you, nakatatlong buhay na, di ba?

"Kung naging transgender ako kaagad, hindi dahil sa… pero ang sarap din isipin na, yeah, I lived as a man.

“I loved as a man [as] Rustom, di ba? Nasaktan bilang lalaki.”

Sa katunayan, ikinasal pa si Rustom sa aktres na si Carmina Villarroel noong 1994, pero naghiwalay rin noong 1997.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din ni BB na sa mga susunod niyang videos ay ikukuwento niyang si Rustom ay nagmahal bilang isang lalaki, at nagmahal din ng lalaki si Rustom bilang isang gay man.

Nagbiro si BB na nakatatlong buhay na siya: lalaki, gay man, at trans woman.

Na may sa-pusa siya at may siyam na buhay.

Abangan na lang daw ng kanyang followers ang anim na natitirang buhay.

Pero ang paniniyak ni BB, magkadikit ang kanyang bagong katauhan bilang trans woman at ang dating buhay bilang Rustom.

“I love both," ani BB.

“As I’ve said, it will not be the same BB had it not been for Rustom.

“Hindi pwedeng mawala yung isa kasi hindi magkakaroon nung isa.”

Rustom padilla gay
Rustom padilla housemate
rustom padilla orange jacket

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

I DON'T THINK I OWULD CHANGE A THING

Ilang beses na rin daw siyang natanong kung ano ang gusto niyang baguhin sa kanyang nakaraan, pero iisa lang ang kanyang sagot.

“Sabi ko nga, pag may nagtatanong nga sa akin, this question may sound cliché, pero pag may nagtatanong sa akin, ‘Meron ka bang gustong baguhin sa past mo?’

"Sabi ko, with the way I’m feeling now, and what I have now, and what I’ve realized, and what is my resolve now, I don’t think I would change a thing.

“Kasi [wala] ako dito ngayon sa kinauupuan ko, the way ako magsalita sa inyo, exact words that I’m saying, kung may nabago na sa past.”

Umamin si Rustom na isa siyang gay noong March 2001, noong naging housemate siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition.

Pagdating naman ng January 2009, naging kontrobersiyal ang announcement ng kanyang transition bilang trans woman.

Naging laman ng mga balita ang statement niyang “Rustom is dead,” bilang pagpapakilala sa kanyang bagong katauhan, si BB Gandanghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naaprubahan naman ng U.S. court ang kanyang petisyon na kilalaning BB
Gandanghari, isang babae noong November 2016.

bb gandanghari black jacket
bb gandanghari long hair

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari (left) talks about her previous identity, Rustom Padilla. “As I’ve said, it will not be the same BB had it not been for Rustom." In 2001, Rustom announced that he was gay. Come 2009, Rustom announced her transition to BB Gandanghari, a trans woman.
PHOTO/S: BB Gandanghari YouTube, Internet
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results