Walang pagsidlan ng saya si Bea Alonzo ngayong pumirma na siya ng kontrata sa GMA Network.
Ayon sa 33-year-old actress, halo-halo ang kanyang nararamdaman pero positibo siya sa bagong yugto na ito ng kanyang buhay.
Pahayag niya, “Sa totoo lang, masayang-masaya ako. Hindi ko maipaliwanag ang feeling.
“Para ang tagal ko nang hindi ulit ‘to nararamdaman, this type of… parang may uncertainty.
“But it’s a good time of uncertainty. Yung parang it’s a very, very good challenge… para sa akin.
“Parang mananatili ito hanggang pagtulog ko ngayong gabi.”
Nagsalita si Bea nang live gamit ang GMA Network Instagram account ngayong gabi ng Huwebes, July 1.
WARM WELCOME
Kaninang umaga ay pumirma ng exclusive contract si Bea sa GMA Network, kasama ang GMA executives, sa EDSA Shangri-La Hotel. Sinundan ito ng online interview kasama ang entertainment press.
Ayon kay Bea, naging productive ang araw na ito.
“I had a lot of fun. When it was just starting, sobra akong kaba, sobra akong kabado, sobra akong excited.
“Parang lahat-lahat ng emosyon nilagay mo na sa iisang tao, at ako yun.”
Pero sa pagtatapos ng araw, napalitan daw ng excitement ang kaba ni Bea.
“Change is always terrifying, di ba? Change is scary but it can also lead us to a place where we can grow, where we can learn.”
Pagpapatuloy niya, “Parang may rebirth of some sorts. Parang there is another side of me that was born.”
Pakiramdam din daw ni Bea ay guided siya ngayong araw.
"To be honest, para rin akong guided today throughout this whole journey. I feel His presence.
“Parang everything is falling into place para sa akin.
“And gusto ko lang i-share the excitement that I feel right now—both excitement and calm. Parang there is a sense of pagiging calm today.”
Binanggit din ni Bea na marami sa kanyang mga dating katrabaho ang nagpadala ng mensahe at pagbati.
“I have been getting messages from friends, from colleagues ko before.
“And I have been getting a lot of words of encouragement, so thank you.”
Lubos din ang pasasalamat ni Bea sa kanyang loyal at totoong supporters na hindi siya iniwan.
“Thank you dahil sinusuportahan niyo ako dito sa bagong yugto ng buhay ko, bagong chapter.
“We are flipping the book and we are here sa bagong chapter ng buhay ko—both exciting and scary.
“Pero, di ba, mas masarap na may nararamdaman na ganun because it makes you feel alive.
“So, I feel alive now.”
Si Bea ay homegrown talent ng ABS-CBN, kung saan nanatili siya ng dalawang dekada, bago siya lumipat ng GMA Network.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
