PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLACKPINK helps Andrea Brillantes promposal to Ricci Rivero

BLACKPINK's Rose: “He said yes!”
by KC Cordero
Published Mar 27, 2023
Scenes at Blackpink concert
Sa tulong ng Blackpink, napapayag ni Andrea Brillantes na umoo ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero na maging prom date niya para sa nalalapit na Star Magical Prom. Ang kakaibang "promposal" ay naganap sa gitna na concert ng Blackpink ngayong Linggo ng gabi, March 26, 2023, sa Philippine Arena.

Naging madali para kay Andrea Brillantes na mapapayag ang boyfriend na si Ricci Rivero na maging escort niya sa gaganaping first-ever Star Magical Prom sa March 30, 2023.

Habang nanonood ang magkasintahan ng Born Pink concert ng K-pop girl group na Blackpink ngayong March 26, 2023, sa Philippine Arena, napansin ng grupo ang hawak na “promposal” placard ni Andrea, na nakapuwesto malapit sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binasa nina Rosé at Lisa ang nakasulat sa placard: “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Itinanong din ng grupo kung nasaan ang boyfriend ni Andrea.

Nang lumantad si Ricci, sabi ni Rosé sa kanya, “Please go to prom with that girl.”

Todo naman ang ngiti ni Ricci na sumagot ng “Yes!”

Makikita ring hinagkan nito sa noo si Andrea.

Read also: Blackpink concert serves as bonding time for besties, moms and daughters

Umugong ang sigawan ng fans dahil sa ultimate "promposal" ng Kapamilya young actress.

Pagkumpirma ng Blackpink, “He [Ricci] said yes!”

@pepalerts @blackpinkofficial Helps @Andrea Brillantes Pull Off the Ultimate Promposal to @Ricci Paolo Rivero #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH #BORNPINKinManila_BulacanD2 #BORNPINKINMANILA_BULACAN ? original sound - PEP.ph

April 2022 nang isapubliko nina Andrea at Ricci ang kanilang relasyon.

Read also: Gem of a Star: Andrea Brillantes lives up to her name

Kabi-kabila na ngayon ang nagaganap na promposal ng young stars ng ABS-CBN para sa event na tinaguriang “a night of love, friendship and magic.”

Ipakikilala sa Star Magical Prom ang up-and-coming artists ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood ito nang online via livestream sa YouTube channel ng Star Magic.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa tulong ng Blackpink, napapayag ni Andrea Brillantes na umoo ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero na maging prom date niya para sa nalalapit na Star Magical Prom. Ang kakaibang "promposal" ay naganap sa gitna na concert ng Blackpink ngayong Linggo ng gabi, March 26, 2023, sa Philippine Arena.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results