PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boots Anson Roa-Rodrigo recalls eloping with first husband Pete

Boots and Pete used their college rings as their wedding rings.
by Rachelle Siazon
Published Mar 2, 2026
Boots Anson Roa-Rodrigo recalls eloping with first husband Pete Roa in 1964
Boots Anson Roa-Rodrigo describes how she eloped with fellow TV star Pete Roa in 1964 saying "wala akong takot, wala akong guilt."
PHOTO/S: Aly Calinao / Pilipinas Retrostalgia

Masiglang binalikan ni Boots Anson Roa-Rodrigo, 81, ang love story nila ng yumaong first husband na si Pete Roa.

Sa guest appearance nila sa PEP Live, naglaro ng "3 on 3" PEP challenge si Boots at Until She Remembers co-star niyang si Barbie Forteza.

Isa sa random questions mula sa game ay kung may alituntunin ang kanyang magulang na sinuway ni Boots noong kabataan niya.

Sinabi ni Boots na mahigpit ang kanyang ama, pero may pagkakataong nagdesisyon siya nang walang paalam sa magulang nang magtanan sila ni Pete.

Sina Boots at Pete ay co-hosts sa Dance-o-rama show noong 1963.

Read: Odette Khan in hospital; family appeals for financial help

WHEN BOOTS AND PETE ELOPED IN 1964

May kanya-kanya na silang show nang mabuyo silang magpakasal noong 1964. Si Boots ay 19 years old, habang si Pete ay 24 years old noon.

"Medyo yes person ako sa mga magulang ko. Kaya the biggest shock was when I eloped. Nagtanan ako, e," pag-amin muna ni Boots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay lahad niya: "So we were already going steady and nagpaplano na kami ng marriage for the year after.

"So my mother, who I was staying with—kasi separated ang parents ko—my mother was saying, 'Teka muna, mag-abroad ka muna. Try other things.'

"So, sabi namin ni Pete, 'Teka, parang matagal pa yung paghihintay nun.'"

Nagkaroon daw ng "bright idea" sina Boots at Pete nang makausap nila ang kilalang columnist na si Joe Guevarra.

"In one of the parties we went to, kasama pa ang nanay at auntie ko, sabi ni Mr. Gueverra, 'Kayong dalawa, ba't hindi pa kayong magpakasal?'

"Sabi namin, 'Di pa ho kami ready.' 'O di magtanan na lang kayo.'

"The next morning, nag-usap kami ni Pete. Because in the mornings tinatawagan niya ako sa phone from his house to our house.

"Sabi niya, 'Sayang hindi na tuloy yung sinasabi ni Mr. Guevarra, 'no? Itanan.'

"So ako naman, ewan ko anong pumasok na sungay sa ulo ko, 'Puwede pa naman din. It's not too late.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"That was how it all started. Wala sa plano talaga."

Pagkababa raw nila ng telepono ay gumulong agad ang plano para sila ay magtanan.

Balik-tanaw pa ni Boots: "E, pareho kaming may show. Meron siyang show sa ABS, may show ako sa TV5. So nagkita kami, dinaanan niya ako.

"Tapos maya-maya, yung dalawang kapatid niya saka isang kaibigan nila joined us pa.

"Sabi ko nga, sa lahat ng tanan, may mga chaperone pa ito."

Ramdam daw ni Boots na sigurado siyang gusto na niyang magpakasal noon.

"Pero ang nagulat ako sa sarili ko. Kasi nga si yes person ako, di ba? Manang, manang. Ganyan.

"All the while, wala akong takot. Wala akong guilt. Basta ang naisip ko lang, think forward. Ito na yon.

"Bahala na si Batman. Mangyari kung ano mangyari, paninindigan ko, kasi decision ko ito."

Natatawang inilarawan ni Boots dahil hindi naman daw nila itinago ni Pete ang kanilang pagtatatanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng beteranang aktres: "So, kumain kami sa Little Quiapo. Then nagpunta kami kay Mayor [Norberto] Amoranto, the Quezon City mayor [at the time], para magpa-civil wedding.

"E, birthday noong mayor. So, ang daming tao. So since nasa TV kami, siningit niya yung aming civil ceremony.

"E, di pagkatapos ng civil ceremony, 'I pronounce you man and wife.' Biglang yung mga tao sa paligid, some of them were politicians, 'Kiss! Kiss!' So, kiss naman kami.

"So, it was really a very public thing."

Hindi na raw talaga mababawi, kahit noo'y ayaw pa sana ng kanyang ina na lumagay siya sa tahimik.

"So between Pete and myself, walang kawala talaga," komento ni Boots.

READ: Boots Anson Roa-Rodrigo on convo with husband about funeral plans

BOOTS AND PETE CHURCH WEDDING

Pagkatapos ay nag-lunch daw sila sa kilalang Chinese restaurant, ang Mamon Luk, bago dumiretso para sa kanilang church wedding noon ding araw ng kanilang civil wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Boots, walang kaarte-arte ang church wedding nila ni Pete kumpara sa karaniwang engrandeng kasal ng mga artista.

Lahad ng beteranang aktres: "We went to this priest who married us. Kung anong suot namin, yun na yun.

"Ang nakakatuwa pa, yung pari, comedian siya. Sabi niya, 'O, confession muna. Kasi nagtanan kayo.'"

Pero game din naman daw ang pari na tumulong na maidaos ang wedding ng couple.

"Tapos, 'Halika na, simulan na natin.' Pinapirma kami ng marriage contract. Yung lahat, siya rin. Siya rin yung clerk.

"Tapos during the ceremony, naaalala niya. 'Teka, mga TV [stars] kayo, pahanap tayo ng photographer.' Doon sa may kanto nagpahanap siya ng photographer. Dumating yung photographer.

"Wala kaming singsing kundi yung aming mga college ring. So, okay lang.

"Kailangan ng coins. 'Pahiram ng coins diyan.'

"Finally, dumating yung photographer. And in between the ceremony, pinapabago niya yung anggulo, medyo may pagka-director pa.

"So, sa madali't sabi, sa nerbiyos ng bata [photographer], wala palang film na na-load. Kaya wala kaming picture ng aming kasal!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

No frills pero sa loob ng 43 taon ay napaninindigan ng couple ang sinumpaang "till death do us part."

Noong 2007, pumanaw si Pete sa edad na 67 matapos ang laban sa stomach cancer.

Naulila ni Pete ang apat na anak nila ni Boots.

Boots Anson Roa with her first husband Pete Roa and their four kids
Photo/s: Renz Spangler via Old Memories of Manila
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Boots Anson-Roa and fiancé recall courtship and wedding proposal

BOOTS ANSON ROA-RODRIGO'S SECOND MARRIAGE

Hanggang sa nakatagpo si Boots ng bagong pag-ibig sa katauhan Atty. King Rodrigo, na biyudo na rin.

Longtime family friends ang kanilang mga pamilya.

Pero nagkahulugan lamang daw sila ng loob matapos ang isang party kunsaan sila ay na-setup.

Taong 2013 nang mag-propose si Atty. King kay Boots matapos ang sampung buwang pagdi-date.

Ikinasal si Boots kay Atty. King Rodrigo noong 2017. Si Boots ay 69 at si Atty King ay 75 years old noon.

Nagpapasalamat si Boots dahil supportive daw ni Atty. King sa kanyang career at hinahayaan siyang gawin ang passion niya, kahit maaari raw sanang hindi na siya magtrabaho.

Si Atty. King pa raw ang nag-finance ng pag-publish ng libro ni Boots na may titulong Grateful.

Inihalintulad ni Boots sa eksena nina Christopher Plummer at Julie Andrews sa Sound of Music ang biyayang pinagkaloob sa kanya ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya sa PEP Live: "That garden scene when they realized they were in love and that marriage would be at hand, and parang nagsasalita yung mga mata nila.

"Surreal yung moment na yon. Di ka makapaniwala. It was a beautiful love scene, extreme close up...

"Sabi ni Julie Andrews, parang, 'Di kapani-paniwala 'ito. Totoo bang nangyayari sa akin lahat 'ito? All these blessings, etcetera.'

"And there was one line that she said from a song, 'In my childhood, I must have done something good.'"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boots Anson Roa-Rodrigo describes how she eloped with fellow TV star Pete Roa in 1964 saying "wala akong takot, wala akong guilt."
PHOTO/S: Aly Calinao / Pilipinas Retrostalgia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results