Ibinahagi ni Boots Anson Roa-Rodrigo, 81, ang usapan nila ng kanyang mister na si Atty. Francisco “King” Rodrigo Jr., 86, sakaling dumating ang panahong mamaalam na sila sa mundo.
“In fact, ano ito, detalye ito,” pagpukaw ni Boots sa atensiyon ng entertainment press.
“When my husband King and I got married, shortly after marriage in 2014, ganito ang usapan namin when we were talking about the inevitable.
“I suggested, ‘King, if I go ahead,’ kasi in our age, hindi ka bibilang ng taon, you don't know when that will come.
“Kaya sabi ko sa kanya, ‘If I go ahead, isoli mo ako kay Pete, my first husband. Dalhin mo ako doon sa columbarium where he’s brought in,'" pahayag ni Boots.
Ang "Pete" na tinutukoy ni Boots ay si Pete Roa, ang first husband ni Boots.
Umabot sa 43 taon ang marriage nina Boots at Pete hanggang sa pumanaw si Pete noong August 2007.
May apat na anak sina Boots at Pete.
Pagpapatuloy ni Boots: "And it is not for me but for my children. Kasi, maganda siguro sa kanila yung pagdating ng panahon magkasama pa rin kami ng tatay nila.
“Although, sabi nila, kapag nasa langit ka na, hindi na... wala ka nang kakilala talaga.
"And conversely, agree agad si King ano. Sabi niya, ‘Yeah, why not, ‘no? That sounds very solid.
“So, conversely, kung siya naman ang mauna, ibabalik ko siya doon sa first wife niya, the late Olga Sy-Yap. Ang ganda nung agreement namin.
"Biglang naisip ko, 'E, papaano kung sabihin nilang dalawa—ni Pete at ni Olga—'Hello, no return, no exchange!'" nagbibirong hirit ni Boots na ikinatawa ng press pati co-stars niya.
Nakakapagbiro na si Boots ngayon, pero inamin niyang isa sa mga mahirap na pinagdaanan niya sa buhay ay ang pagkawala ng unang asawa.
"Siguro yung pain or loss. Naranasan ko yun when my late husband, my first husband, Pete, passed on...
"Yun na siguro yung agape love na hindi conditional. Hindi humihingi ng kapalit. And this was the kind of love that I learned too kay Pete.
"In fact, I didn’t look for anyone else when my husband died," balik-tanaw ni Boots.
Sabay tukoy niya sa mister niya ngayong si Atty. King: "I think fate, destiny, brought me to my second marriage which I am so thankful for.
"Kasi, parang marriage made in heaven ito. It is not a perfect marriage, of course.
But it is something I know makes me very fulfilled."
Read: Sofia Trazona admits stepfather Alvin Aragon hit her once
BOOTS ANSON ROA-RODRIGO ON UNTIL SHE REMEMBERS
Nakapanayam si Boots sa presscon ng pelikulang Until She Remembers, na ginanap noong February 10, 2026.
Tampok sa pelikula sina Boots, Charo Santos-Concio at Barbie Forteza. Ang direktor ay si Brillante Mendoza
Ayon kay Boots, sa limang dekada niya sa showbiz ay binigyang-katuparan ni Direk Brillante ang isa sa mga role na nasa bucket list ng beteranang aktres.
"Kasi, yung role ko po dito ay kakaiba sa lahat ng mga role na na-portray ko in all of my more than 50 years in the movies.
"And, what is wonderful is that the intimacy, the love that is depicted in this movie is different.
“It can be difficult but it's such a comfort na ang kasama ko sa eksena ay si Charo na matagal ko nang kaibigan," saad ng beteranang aktres.
Read: Jopay Paguia hesitated returning to SexBomb Girls due to religion
BOOTS ON THE FIRST TIME SHE MET CHARO
Ikinuwento pa ni Boots ang history nila ni Charo bilang magkaibigan mula pa noong '70s.
Una raw nakita ni Boots si Charo sa isang pageant kunsaan hurado sila ni Fernando Poe Jr. (FPJ), na ang may palayaw ring Ronnie mula sa tunay na pangalan nito na Ronald Allan Kelley Poe.
“In fact, magkuwe-kuwento lang ako, with your permission, Charo. Kami po ni FPJ, Fernando Poe Jr, kumbaga, nag-introduce kay Charo to the public life.
"And it was in 1974 when Ronnie and I judged a massive environmental green revolution movement in the government.
"Si Charo po ay isa po sa mga kandidata bilang ambassador of goodwill for the entire project. Ronnie and I were among the judges.
“So, nung tinawag na yung mga kandidata, pagkitang-pagkita ko kay Charo, wala pang sinasabi yan, lumakad lang sila, sinabi ko na kay Ronnie, ‘Eto na yun. Eto na yun.’
“Nung nagsalita na at nagkaroon ng Q&A, naisip namin sa aming dalawa [ni Ronnie], ‘I hope the other judges will think the same way like we did.'
“So, that was the beginning of Charo’s public life."
Tandang-tanda pa ni Boots ang ibang mga proyekto ni Charo noong baguhan itong aktres.
"Sumunod na ang Baron Travel Girl.
"Sumunod na ang pelikula, yung Itim, first movie niya kung saan nagwagi siya bilang Asia’s Best Actress through the help of Direk Mike de Leon.
"And as the saying goes, the rest is history."
