Pumanaw ang veteran choreographer na si Anna Feliciano sa isang ospital sa San Mateo, Rizal, nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 24, 2025.
Siya ay 65.
Atake sa puso ang ikinamatay ni Anna na umaarte rin sa mga teleserye at pelikula.
Naulila ni Anna ang kanyang nag-iisang anak na si Rupert.
Kabilang ang asawa ni Rupert na si April sa mga nagbigay-pugay kay Anna sa pamamagitan ng isang Facebook post na may larawan ng kanyang biyenan at Bible verse.
Nakasaad dito: “I will say of the Lord, 'He is my refuge and my fortress; My God, in Him I will trust' Psalms 91:2."
Read: Wowowin choreographer Anna Feliciano looking for dancers; is it for Willie's new show?
ANNA FELICIANO: FROM DANCER TO ACTRESs TO CHOREOGRAPHER
Nagsimula ang career ni Anna bilang mananayaw noong 1984 nang maging miyembro siya ng Solid Gold Dancers, na itinatag ng kanyang ex-husband na si Mel Feliciano.
Mula sa pagiging dancer, sinubukan ni Anna ang pag-arte sa mga pelikula, drama series, at guestings sa mga drama anthology.
Si Anna ang resident choreographer ng noontime shows ng ABS-CBN na Magandang Tanghali Bayan (MTB) at Wowowee.
Nang lumipat si Willie Revillame sa TV5 noong 2010 at sa GMA-7 noong 2015, sumama pa rin sa kanya si Anna bilang dance choreographer ng kanyang mga programa.
Read: Former Pinoy Dream Academy contestant Davey Langit dies
WILLIE REVILLAME MOURNS THE PASSING OF ANNA FELICIANO
Labis na ikinalungkot ni Willie ang pagpanaw ni Anna.
Huli raw nakita ng TV host si Anna noong Oktubre 15, 2025 dahil nagkaroon sila ng rehearsal at dry run para sa kanyang bagong game show sa TV5, ang Wilyonaryo.
Malungkot na pahayag ni Willie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Matagal ko nang choreographer si Anna.
"Magmula pa sa MTB, ang noontime show namin noon nina Randy Santiago at John Estrada. Mula noon, tuluy-tuloy na.
“Dapat may show na siya uli sa Wilyonaryo, nag-rehearse at nag-dry run na kami.”