Derek Ramsay reacts to Angelica Panganiban's happy love life, Andrea Torres's blooming career

by Melba R. Llanera
Aug 23, 2021
USAPANG EX-GIRLFRIEND: Derek Ramsay (left) believes Angelica Panganiban (center) will end up with non-showbiz boyfriend Gregg Hoffman; and he also wishes that Andrea Torres (right) will find the right guy for her.
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @iamangelicap / @andreaetorres Instagram

Nagpahayag ng saya si Derek Ramsay sa balitang maligaya ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban sa piling ng non-showbiz boyfriend nitong si Gregg Homan.

Noong July 11 nagdiwang ng unang anibersaryo bilang magkasintahan sina Angelica at Gregg.

Noong August 18, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek.

Dito niya sinabing naniniwala siya na ang bagong karelasyon ni Angelica ang taong nakalaan talaga para sa dalaga.

"I'm very happy for her. I always say this, I wish her well.

"And to find the right guy... And I think she found the one that she is going to spend the rest of her life with," saad ni Derek.

Kita raw sa mga litrato ni Angelica na nasa mabuting kalagayan ito.

Ani Derek: "She's super happy. And nakikita mo sa aura niya, nakikita mo sa mata niya.

"She looks complete, and I wish her well."

Anim na taong nagkarelasyon sina Derek at Angelica bago sila nagdesisyong tuldukan ang kanilang pagsasama.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Derek, "I wish happiness to all the exes that I had."

Kahit kay Andrea Torres, na isa rin sa ex-girlfriend ni Derek, ay may mensahe ang aktor.

"Kay Andrea, I wish her well, all the best. Her career is blooming. I pray and I wish she finds her true happiness.

"Hindi nag-work out yung sa amin, walang bastusan. You know, we've all moved on."

Sigurado raw si Derek na matatagpuan ni Andrea ang tamang lalaki para rito.

"She will find that right person, she's a wonderful woman.

"We're just very different and she will find the perfect match for her. She will."

HOT STORIES

DEREK says no truth to "Playboy" tag

Nabanggit ni Derek na palaging ipinupukol sa kanya na siya ay "playboy" at parang nagpapalit lang ng damit pagdating sa pakikipagrelasyon.

May depensa rito ang Kapuso hunk actor.

"People always say ang dami kong ex. Pero bilangin niyo po.

Continue reading below ↓

"Forty-five years old ako, hindi ako 20s or 30s na papalit-palit ng babae.

"Guys, do the math, check my record. I'm forty-five."

Sa showbiz, ang mga naging ex-girlfriend ni Derek ay sina Solenn Heussaff, Cristine Reyes, Angelica, at Andrea.

Sa hindi taga-showbiz, anim na taong nakarelasyon ni Derek si Jo-Ann Villablanca.

Noong kabataan ni Derek, wala pang kalahating taon ang itinagal ng relasyon niya kay Mary Christine Jolly, ang ina ng kanyang anak na si Austin Ramsay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
USAPANG EX-GIRLFRIEND: Derek Ramsay (left) believes Angelica Panganiban (center) will end up with non-showbiz boyfriend Gregg Hoffman; and he also wishes that Andrea Torres (right) will find the right guy for her.
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @iamangelicap / @andreaetorres Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results