Tutok pa rin ang mga masugid na tagasuporta ni Bea Alonzo kung tuloy ang kasal nila ni Vincent Co.
Nabuhayan ng pag-asa ang fans ng aktres na may tsansang maganap ang inaasahang wedding sa Spain dahil sa pag-alis ng bansa ng malapit nitong kaibigan na si Dimples Romana.
Kahapon, May 10, 2026, nag-post si Dimples ng video na kuha sa airport lounge kasama ang mister na si Boyet Ahmee.
Nilagyan niya ito ng emoji ng papalipad na eroplano.
Sinundan niya ito ng isa pang video na kuha nang sakay na sila ng business class seats sa eroplano.
Kinonekta ito ng fans ni Bea sa airport photo ng pamilya ni Bea.

Malapit na magkaibigan sina Bea at Dimples mula nang magkatrabaho sila sa pelikulang One More Chance (2007).
Noong April 5, nagbahagi pa si Dimples ng litrato ng pagbisita nina Bea at Vincent sa kanyang bahay.
Kasama rin nila noon si Bea Saw, co-star sa One More Chance at isa rin sa close friends ni Bea Alonzo.
BEA ALONZO AND VINCENT CO'S WEDDING IN SPAIN
Nitong mga nagdaang araw, hindi kailang mainit ang usap-usapan tungkol sa wedding nina Bea at Vincent.
Una nang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na May 10 nakatakda ang welcome party at May 14 ang wedding day ng couple sa Spain.
Pero noong Biyernes, May 8, inulat ng PEP ang impormasyon mula sa iba-ibang credible sources na makailang beses na “on and off” ang wedding ng couple.
Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
Ang isyu ay may kinalaman umano sa prenup agreement.
Sinasabing may iba ring dahilan kung bakit urong-sulong ang kasalan, pero nananatiling espekulasyon pa ang mga ito.
Kung anu’t ano man, hiling ng marami na malampasan nina Bea at Vincent ang kung anumang hadlang sa kanilang tunay na pag-iibigan.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
