Comedian Donita Nose confirms she tested positive for COVID-19

by Jet Hitosis
Jul 27, 2020
Wowowin co-host Donita Nose says she is having shortness of breath because of COVID-19: “Ngayon ko lang naranasan yung iihi lang ako, pero habang umiihi ako, hinahabol ko yung hininga ko."
PHOTO/S: Donita Nose on Facebook

Kumpirmadong may COVID-19 ang comedian-TV host na si Donita Nose.

Mismong ang 41-year-old Wowowin co-host ang nag-anunsiyo nito sa GMA-7 primetime news program na 24 Oras nitong Lunes ng gabi, July 27.

Ayon kay Donita, Lunes ng umaga niya nakuha ang resulta ng swab test sa kanya.

Tulad ng kanyang hinala, positibo siya sa coronavirus.

Hindi na raw ito ikinagulat ni Donita dahil nasa kanya naman ang lahat ng sintomas ng COVID-19.

“Parang nakita ko lahat yung mga symptoms ng COVID is parang nandoon siya,” sabi ni Donita, na Ogie Solano ang tunay na pangalan.

Biyernes ng gabi, July 24, dalawang beses nag-Facebook Live si Donita upang ianunsiyong nasa St. Lukes Medical Center siya.

Sinabi niya noong isang linggo na siyang nilalagnat, sumasakit ang ulo, inuubo, dumanas ng diarrhea, at nahihirapang huminga.

Sa video-call interview ng 24 Oras kay Donita nitong Lunes, makikitang nasa emergency room pa rin siya ng ospital.

Continue reading below ↓

Una na niyang naikuwento na pang-20 siya sa mga nakapila para mailipat sa hospital room.

Sa dami raw kasi ng COVID-19 patients, wala pang bakanteng kuwartong mapaglilipatan sa kanya.

"MAG-ISA AKONG LUMALABAN DITO NGAYON"

Kumpara sa hitsura niya sa Facebook Live nitong Biyernes, mas masigla na ngayon si Donita.

Lakas-loob daw niyang nilalabanan ang sakit, kahit pa nahihirapan siya sa kanyang pag-iisa sa ospital.

Ipinagbabawal kasi ang bantay o dalaw sa mga COVID-19 patients dahil mabilis na maipasa ang virus.

“Mag-isa akong lumalaban dito ngayon, as in wala akong kasama. Magsi-CR ako, ako lang,” kuwento ni Donita.

Naikuwento rin ng stand-up comedian na dahil sa sakit ay mabilis siyang hingalin ngayon.

“Ngayon ko lang naranasan yung iihi lang ako, pero habang umiihi ako, hinahabol ko yung hininga ko. Ganoon siya kalala.”

Kumpiyansa naman si Donita na gagaling siya sa COVID-19, dahil alam niyang maraming nagdadasal para sa kanya.

“Sabi ko nga, kahit mag-isa lang ako dito, I know hindi ako nag-iisa, sa mga dasal, sa lahat.

Continue reading below ↓

“Kasi alam kong maraming nagmamahal sa akin.”

CONTACT TRACING

Iniulat ng 24 Oras na ilang linggo nang hindi nagte-taping si Donita para sa Wowowin, bago pa man niya naramdaman ang mga sintomas ng kanyang sakit.

Pumayag si Donita na magpa-interview para maalerto ang mga taong nakasalamuha niya sa nakalipas na mga linggo.

Continue reading below ↓

Muli ring nagpaalala si Donita sa publiko na gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.

Batay sa latest update ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, nasa 82,040 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 26,446 ang napagaling habang 1,945 ang namatay.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wowowin co-host Donita Nose says she is having shortness of breath because of COVID-19: “Ngayon ko lang naranasan yung iihi lang ako, pero habang umiihi ako, hinahabol ko yung hininga ko."
PHOTO/S: Donita Nose on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results